Chapter 26 “Ano naman ang pumasok sa isip mo? Akala ko ba ay hindi ka na kakanta?” tanong ni William, “Gusto mo ikaw na lang kumanta?” balik na tanong ni Duke sa kaniya, ngumisi na lamang si William. “Sige na, aayusin ko lang sa stage.” feeling ko tuloy ay kasalanan ko. “Magpahinga ka lang d’yan, bakit ba kasi ganiyan pa kaiksi ang suot mo?” kumunot ang kaniyang noo na tignan ang dress ko. “Isuot mo ‘to,” amoy na amoy ko ang mamahalin nitong pabango na bumalot sa akin nang ilagay niya iyon sa likod ko. “Makinig ka na lang at ako na maghahatid sa ‘yo.” gusto ko sanang tumutol, ngunit nang makaramdam ako ng hilo lalo ay hindi na ako nagpumilit. Feeling ko nga ay ilang saglit na lang babagsak na ako. “Duke!” bati ni Jaylo nang makalapit sa amin, “Ayos lang ba ikaw?” tanong

