Chapter 84 “Hindi mo man lang sinabi na susunduin mo ‘ko. Akala ko ay hindi mo na nga ako susunduin,” habang nasa sasakyan kami pauwi sa bahay. “Sorry, may inayos lang kasi ako,” napaisip ako saglit. May inayos? Kasama niya ba si Danica? Burahin mo na sa isip mo iyon, Wensy. Hindi nakakabuti iyon sa relasyon. “Ayoko sanang pag-usapan natin ito ngayon, pero bakit kasama mo ang Shin na iyon?” hindi siya galit, pero halata naman sa kaniyang noo na tila medyo naiinis. “Sinama niya ako kanina, para kumain. Ayokong sumama, pero nadaan ako sa gutom, sabi niya kasi ay ililibre niya ako. Sorry..” paghinigi ko ng pasensiya. “No, its okay.. alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo,” sambit niya pa. Huminga ako nang maluwag at kinagat ang aking labi. “Doon kita nakita sa may resto na pinuntahan n

