“Dahan-dahan baka madulas ka, dito ka dumaan mainit diyan.” Ani Vincent habang hawak sa baywang si Rayleen. “Vincent naman damohan po ito hindi cemento, bakit naman ako madudulas?” Natatawang wika ni Rayleen dito. “Sundin mo na lang ako, para sa’yo ‘tong ginagawa ko.” Hinalikan ni Vincent ang noo nito, bago pina upo sa upuan na gawa sa kahoy. Simula ng ikinasal sila ni Rayleen naging doble na ang pag-aalaga ni Vincent kay Rayleen. Wala kang maririnig na reklamo mula kay Vincent, ganito niya ka mahal si Rayleen. “Sweetie, inumin mo muna ito para mainitan ang tiyan mo.” Inabot ni Vincent ang warm chocolate sa asawa, agad naman ininom ni Rayleen ‘yon saka inilapag sa maliit na table. “Bakit iba ang lasa ngayon? Ikaw ba gumawa nito?” Kunot noo nitong tanong. “Hindi ba masarap? Sorry, next time

