"Salamat manong guard, andiyan ba sa loob ang sir Arnel mo?" pakunwaring tanong ni Romary dahil alam naman talaga niyang wala si Arnel sa loob ng mansyon. "Sabado ngayon ma'am Romary, madalas kapag ganitong araw ay hindi umuuwi rito si sir Arnel." pagdaldal ng guwardiya kay Romary na tinanguan naman ni Romary. "Sino ang nasa loob ngayon?" pa safe question na saad ni Romary Gail. "Mga kasambahay lang po ma'am ang nasa loob, sina Tinay." maagap na sagot ng guwardya. Tumango si Romary. "Pakitawag si Tinay, pakisabi na kailangan ko ng tulong n'ya." utos ni Romary. "S-sige po ma'am Romary." gamit ang intercom na nakaconnect sa kusina ay nakontak nito sina Manang Tinay. Ilang segundo lang ay nakita na ni Romary na humahangos palabas ang dalawang kasambahay. Nagkatinginan si Romary at Hild

