Nakabalik na ng mansyon sina Romary at Hilda at nasa poolside silang dalawa at nagmemeryenda. "Sapalagay mo Romary, magsusumbong yung kabet ng asawa mo kay sir Arnel?" tanong ni Hilda. "Magsumbong man siya o hindi, wala akong pakialam. Alam kong tama lang ang ginawa ko para layuan niya na si Arnel. Karapatan kong ipaglaban kung ano ang akin, asawa ako at kabet lang siya." aniya kay Hilda, na ikinatango ng ulo ng alalay niya. "Pero kapag nalaman ng asawa mo ang ginawa mo, sigurado na magagalit yun sa'yo. Lalo ka lang lalayuan ni sir Arnel." aning naikumento ni Hilda. "Kanino ka ba talaga kampi?! hindi ba't ikaw pa nga ang nagsuggest na ipaedit ang nakuhanang video dahil hindi nangyari ang buong plano ko." singhal ni Romary sa babae. "Nagsuhestiyon lang naman ako, di ko naman akalain na

