Hindi mapigilan ni Nicka ang sarili na hindi makausap ng matagal si Arnel, kaya tumingin si Nicka sa ama niya pati na rin kay Emman at nagpaalam na may sasabihin lang siya kay Arnel. Tumango si Mang Chris kaya mabilis ang hakbang na sinundan ni Nicka si Arnel. "Arnel.. sandali.." pagtawag ni Nicka sa lalaking mahal niya. Napatigil naman sa paglalakad si Arnel ng marinig ang boses ni Nicka. Humarap siya sa kanyang likuran at naroon ang dalaga na nakangiting lumalapit sa kanya. "Sandali lang, salamat sa pagpunta. Malaking bagay para sa akin ang pagpunta mo, kahit pa nga na late ka. Akala ko ay nakalimutan mo na ang araw na 'to. Masaya akong nakarating ka." aning wika ni Nicka ng malapit na sila sa isa't isa. "Akala ko ay iisnabin mo pa rin ang kapogian ko, hindi ka na ba galit sa akin?"

