Nakatulog din na magkayakap sa pagod sina Nicka at Arnel. Nakailang rounds din silang dalawa ng kusa ng sumuko si Nicka dahil sa inaantok na s'yang talaga. Hindi na nakapagbihis pa ang dalawa at hubo't hubad na nakatulog sa ilalim ng makapal na kumot. Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Arnel. Tulog pa rin si Nicka sa kanyang tabi. Pinakatitigan niya ang mukha ng babaeng katabi ng matagal. Itinukod niya ang kanyang braso at tumagilid ng higa at tahimik na nakangiting pinagmamasdan si Nicka. Naramdaman ni Nicka ang ginagawang pagtitig sa kanya ni Arnel kaya iminulat n'ya na ang kanyang mga mata kahit na sobrang antok pa s'ya. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Arnel, dahil muling pumikit si Nicka at nagtulug-tulugan ito. Hinawakan ni Arnel ang isang kamay ni Nicka at dinala iyon s

