"Naku Ella, Kapag alam nilang mga bigatin ang sangkot sa rambulan takot ng mangialam ang mga iyon. Isa lamang din silang trabahador na may binubuhay na pamilya." Relate na relate si Daisy sa sinabi niya dahil isang Security Guard ang kaniyang Ama kaya iyon ang kaniyang pagkakasabi kay Kimy.
" Sabagay Ate Daisy may tama ka d'yan minsan talaga kapag alam mong delekado kailangan umiwas ka na. At kapag alam mo kong gaano kataas ang pader huwag mo nang akyatin baka mapahamak ka lang."
"May tama karin d'yan Kimy, at mag bihis ka na ng Uniform mo Oras na nang shift mo baka ikaw naman ang tamaan ni Visor na sipsip."
"Psssst! Ikaw talaga Ate Daisy baka marinig ka nun baka bigla tayong masesante ."
"Ay, Oo nga pala ang tenga pa naman nun ay napakahaba." Ang natatawa niyang sabi.
"Sige na mag papalit na 'ko ng uniform."
Nag-umpisa nang mag trabaho si Kimy at naging abala eto sa dami ng customers na dumating. Mabilis ding lumipas ang mga oras at oras na para umuwi. Pinalitan niya ang suot na uniform pang trabaho at nag suot ng casual t-shirt. Pagkatapos nag-paalam na siya sa kaniyang mga kasamahan.
Habang nag-lalakad papunta sa mga sakayan ng bus at jeep lagi niyang naalala ang gwapo at medyo may kayabangang lalaki na tinulungan niya noong nagdaang mga araw sa pasilyo kong saan niya eto natagpuan.
"Kumusta na kaya s'ya?" Ang wala sa sariling naitanong ni Kimy at nagpatuloy na eto sa paglalakad patungong sakayan. Hindi naman siya nagmamadaling umuwi dahil wala namang naghahantay sa kan'ya sa bahay dahil ang kuya niya ay nasa Baguio pumunta duon kasama ang Trainor nito upang mag-training. Ka-aalis lang nito kaninang umaga.
May pumaradang bus sa harapan ni Kimy at saktong pa Bluementrit ang way ng bus ayon sa karatula nito. Dali Dali siyang sumampa sa bus at naghanap ng mauupuan. Swerte namang may bakanteng upuan malapit sa may bintana ng bus. Kaso nga lamang may mga kasabayan siyang sumakay ng bus kaya mabilis siyang nakipag-unahan sa mga eto para maka upo sa paborito nitong pwesto ang maupo sa tabi ng bintana. Naalala niya ang naging usapan Nila kanina ng Kuya Tomy niya.
"Kimy mag-iingat ka palagi at mag pakabait lagi mong echeck ang gate at mga pintuan kailangan nakalock bago ka matulog."
"Kuya naman anong akala mo sa akin batang paslit na walang alam pakabait daw mag ganun talaga?"
"Kimy Ang ibig kong sabihin sa sinabi kong mag pakabait ka ay porket wala ako nasa malayo baka bumarkada ka at makipag-inuman. Baka pag-uwi ko buntis ka na."
"Hala! si Kuya masyadong advance mag-isip paano naman akong mabubuntis unang una wala akong boyfriend, pangalawa wala akong time para d'yan. Hindi ako sira ulo Para sayangin ang scholarship ko sa school na 'yon. Ang pag-ibig nakakapaghantay yan pero ang makatapos sa pag-aaral ay hindi. Pangatlo, takot lang nila e halos ng gustong manligaw sa akin bumabahag ang buntot kapag nalalaman na ikaw ang kuya ko."
" Nag-papaalala lang naman na magdoble ingat ka. Masama bang mag-alala sa nag-iisa kong kapatid, at yong mga itinuro ko sa'yo lagi mong tatandaan. Kapag kinakailangan makakatulong sa'yo 'yon. "
Ang tinutukoy ni Tomy ay ang nalalaman ni Kimy sa boxing. Natuto si Kimy sa boxing sa kapapa nuod ng mga ensayo at laban ng Kuya niya. May taas na 5'7 si Kimy na may katawan pang FHM at pang artistang mukha. Kaya hindi mawawala sa Kuya nito ang mag-alala sa kan'ya ng subra. Lalo't sa panahong eto maraming Rapist at mga addict. Kaya seneguro ng Kuya Tomy ni Kim na matuto siya sa self defense. Kapag free time nito tinuturuan niya si Kimy. Kaso nga lamang may naging masamang epekto eto sa kan'ya naging boyish eto nawala ang pagiging mahinhin ng isang dalagang Pilipina.
Naagaw ang pansin niya ng huminto ang bus at may - nakita siyang dalawang mag kasintahan na nag goodbye kiss pa sa lips at nagyakapan bago tuluyang sumakay ng bus ang babae.
"Ay ka sweet naman nila Sana oll!" Ang nangingiti niyang sabi niya sa sarili.
"Ako kaya kailan kaya makakaranas ng gan'yan? Ay! Ano ka ba Kimy, mukhang malabo ka magkaruon ng ganyan dahil ang taas ng standard mo ang gusto mo singbait, sing gwapo, sing ma-alaga, sing tapang at mapag-mahal na gaya ng kuya Tomy mo gumising ka na lang sa katotohan."...
Kinaumagahan nagmamadali na si Kimy kumilos upang pumasok dahil tinanghali na eto ng gising. Nakalimutan niyang e set ang alarm clock sa ala sais ng umaga. Alas syete kinse na eto nagising kaya Alam na alam niyang kukulangin na siya sa oras. Hindi na din siya nakapag almusal at kahit uminom ng kape ay wala sa dahilang iniisip niya baka ma traffic nanaman sa daan at baka malate talaga siya kong hindi pa siya aalis.
Nag-mamadaling umalis ng bahay si Kimy At gaya ng inaasahan ma traffic nga kulang na lang ay tumakbo siya ng mabilis ng makarating lamang sa loob ng University.
"Haizt! Buti na lang at may 10 minutes pa ako bago mag start ang unang klase ko." Nakatingin si Kimy sa kaniyang relo nang marinig niya ang pangalan Jaguar. Lumingon siya sa kaniyang likuran at nakita niyang naglalakad ang isang lalaking parang nakita na niya sa kong saan. Hindi niya masyadong maaninag dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nito.
Naglalakad eto na parang siga sa Kanto na ala model. Lahat ng mga estudyante ay tumatabi nang eto ay dumadaan sa kanilang harapan. Pero sinusundan eto ng tingin ng mga estudyante ang iba ay parang natatakot at ang iba ay tila kinikilig.
"Sino ba 'tong Jaguar at parang Hari Kong makaasta ?" Ang nag-tatakang tanong ni Kimy sa kaniyang sarili. Nang makalapit si Jaguar sa kanyang harapan at biglang huminto eto sa paglalakad at na patingin sa kan' ya. Nagkatitigan silang dalawa.
"Ikaw?" Ang sabi ni Kimy na lumaki at namilog ang mga mata. Oy kumusta ka na? " Patingin nga ng mukha mo." Biglang hinawakan ni Kimy ang mukha ni Jaguar at sinipat sipat ang mukha nito.
"Ay! Buti naman at hindi pala nag peklat yong sugat mo balik gwapo ka na ulit. Magaling talaga ang ceam na pinahid ko d'yan sa mukha mo. Ay Teka!.... Ikaw si Jaguar?"
"Ako nga si Jaguar bakit may problema ba?" Ang sagot nito sa kan'ya.
"Ha? A e wala... Walang problema sige po mahal na Hari ay ! Este, Ano___Maari mo nang Ipagpatuloy ang iyong paglalakad." Ang nabiglang wika ni Kimy na senenyasan pa niya eto na lumakad na. Ngunit hindi eto gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Anong pangalan mo?"
"Kimy.. bakit? Din. Ang deretsang sabi ni Kimy na nakipagtitigan pa sa mata ni Jaguar.
Pinasadahan naman siya nito ng tingin mula ulo hang-gang paa.
" Nag-aaral karin pala, dito maliit talaga ang mundo." An'ya na nagpabalik sa ala-ala ni Kimy na malalate na nga pala siya para sa unang klase niya.
"Naku pasensya na Jaguar malalate na ako usap na lang tayo uli later bye." Nagmamadaling tumakbo si Kimy na sinundan na lamang ng tingin ni Jaguar.
Hindi napansin ni Kimy na maraming mga mata ang nakasaksi sa tagpong iyon. Dahil siya pa lamang ang kauna unahang babae ang nag lakas ng loob na lumapit at hawakan ang mukha ni Jaguar sa loob ng Campus na 'yon. Ang ordinaryong tagpong iyon ay mabilis na kumalat sa pamamagitan ng social medya lalo na sa group chat ng Baldwin University. Lingid sa kaalaman ni Kimy ang mukha niya ay nakakalat na sa mga cellphone ng mga estudyante duon at siya na ang Hot trending Topic.
" Who's this girl?"
"Did He kno'w Her?"
"Who's that Girl?"
"Is she his new Girl friend?"
Ilan lamang sa mga Trending na pinaguusapan sa loob ng Campus at sa mga cellphone ng bawat Isa. At ang walang kamalay malay na si Kimy ay nasa loob ng kaniyang klase at kasalukuyang nag eexam...
"Grabe naman wala pang two weeks may pa suprise exam na si Prof. Dela Fuente." Ang wika ni Farah habang naglalagay ng gamit sa kaniyang bag."
"Oo nga basta basta na lang nang-gugulat, pero sa tingin ko wina warm up lang tayo ni Prof. Basic Lang naman ang ibinigay niyang exam satin."
" Maari ngang ganun. Okay Kimy Let's go to the Canteen na."
Pag-tingin nila sa kanilang mga kaklase ay tila nakatingin Sa kanila ang mga eto at mabilis na binawi parang nagulat pa sila ng tumingin sila Kimy at Farah sa kanila.
"OH! What happen to them?" Ang nag-tatakang tanong ni Farah kay Kimy.
"Aba'y ewan ko! Tara na baka namamalikmata lang tayo baka hindi naman tayo ang tinitingnan nila."
Lumabas na nga sa silid aralan ang dalawa ngunit sa paglalakad nilang dalawa ay napansin nila ang mga mata ng mga tao sa paligid. Ang malala pa nagbubulungan ang mga eto na parang may pinag-uusapan at ang iba naman ay hawak hawak ang kanilang cellphone at titingin sa kanila lalo na kay Kimy.
"Farah iba na talaga ang kutob ko dito ha."
"Ako din Kimy parang may something."
" May ginawa ka ba? May Inaway ka ba? "
"What me?.. Wala ah? Baka ikaw Kimy mukhang sayo sila nakatingin e look at them? "
"Sa akin?.. Bakit naman nila ako titingnan alam ko naman na maganda ako he! hehehe! Pero hindi dahilan iyon para tingnan nila ako ng gan'yan. Kong makatingin sila Aba'y akala mong may nagawa akong kakaiba."
Pag-tingin ni Kimy kay Farah ay hawak hawak na nito ang kaniyang cellphone at titig na titig pa eto.
" Kimy mukhang alam ko na kong bakit. Look oh? "
Nagulat si Kimy nang usyusohin niya ang ipinapakita sa kanya ni Farah at nagulat pa siya.
" AKO? "
"Oo 'teh ikaw nga.. Mukha mo yan at hindi ako. Akala ko ba hindi mo kilala si Jaguar e ano 'yan? May pahawak hawak ka pa sa mukha niya. Naku' teh Trending Hot Topics ka oh! Sikat ka na."
"Sus! Para 'Yan lang nagkakagulo na sila. E' di hawakan din nila ang mukha ng Jaguar na 'yon akala ko naman kong anong big deal." Ang inosenteng sabi ni Kimy na wala talagang alam sa maaring idulot ng simpleng tagpong iyon sa kan' ya.
"Kimy, Wala ka talagang alam. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na si Jaguar ang number one na dapat natin iwasan dito. Basagulero, Mayabang, playboy, at may hinahawakan daw 'yan na illegal na business bukod pa dun leader pa ng Gang."
"Oy, May nakalimutan ka." Ang pabirong wika ni Kimy sa kaibigan.
"Ano?"
"Gwapo at Hot."
"Sabagay totoo' Yan, kaya nga kahit RED FLAG siya marami parin ang pumapantasya sa kan'ya at take note boys and girls nag kakagusto sa kan'ya. Alam mo bang siya din ang tittle holder ng THE KILLER Smile sa Campus natin.... Teka nga sagutin mo ang tanong ko pala 'teh, kilala mo ba si Jaguar?"
I