MY RED FLAG MAN C44 Bago tuluyang talikuran ni Jaguar si Farah ay tiningnan niya mona eto ng masamang tingin. Ang buong akala niya ay ayos na ang lahat sa kanila ni Farah na maliwanag dito ang kanilang relasyon ngunit nagkamali pala siya hindi pala ganuon kadali ang gusto niyang pakikipaghiwalay. "Farah, may asawa ka na, sikapin mong gampanan ang tungkulin mo bilang asawa sa kaniya. Natural lang ang minsang pagaaway ng magasawa parte yan ng buhay. Kita mo nga ako hindi ba't mahal na mahal ako ng Daddy mo. Anak maging maunawain ka sa asawa mo ipakita mo sa kanya na mas deserving ka kesa sa ibang babae. Kasal na kayo at walang sino man ang pwedeng sumira nuon anak. Ipakita at iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya at kelan man ay hindi mo siya iiwan sa hirap at ginhawa, kahit anong mangyar

