MY RED FLAG MAN CHAPTER 39 "Mr. Sanchez hindi porket pinakasalan ko ang anak mo ay may karapatan ka nang pangunahan ang mga desesyon ko sa kompanyang eto . Akala mo ba hindi ko malalaman na nakipag secret deal ka sa Yamato Company. Ako pa din ang Head ng kompanyang eto , Ang lahat lahat na may kinalaman sa kompanyang eto ay kailangang ipinapaalam mona sa akin. Eighty percent ay pagaari ko kaya malinaw pa sa kokote mong malabo ang kapangyarihan ko naiintindihan mo ba Mr.Sanchez?" Kasalukuyang nasa office ng CEO ng Dilligen Company si Jaguar naka upo sa swivel chair habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa taong kaharap niya . Pagkagaling kasi sa Unibersidad ay tumutuloy siya dito upang gampanan ang pamamahala sa kompanya. "Malaki ang maipapasok na pera sa atin ang ginawa kong deal

