CHAPTER 2

1848 Words
" Anong nangyari sa'yo? Na hold-up ka ba? Kawawa ka naman seguro nanlaban ka at hindi isang tao lang ang nang Hold - up sa'yo. Sa laki mong iyan at maskulado naman ang katawan mo nabugbog ka. Sabagay lasing ka nga pala paano ka nga naman makakalaban." Sinipat sipat mona ni Kimy ang lalaki gusto niyang makaseguro na hindi eto nasaksak. "Teka may tubig pala ako dito, ka bibili ko lang nito isang lagok pa lang naiinom ko promise. Eto sayo na inumin mo na ng guminhawa ng kaunti ang pakiramdam mo." Tumitig mona ang lalaki sa mukha ni Kimy bago kinuha ang inaalok nitong mineral water bottle,nilagok n'ya eto hanggang sa maubos. " Steady ka lang d'yan at gagamutin ko yang sugat mo.Maswerte ka parin alam mo ba 'yon. Oo swerte ka kasi natagpuan kita kong hindi baka walang tumulong sa'yo.Sa gwapo mong iyan dapat iniingatan mo para hindi masira hindi madislocate. " Panay ang salita ni Kimy habang kinukuha ang pouch ng medecal kit mula sa kaniyang bag. Nilinis nya mona ang sugat nito sa kilay, pinahiran ng gamot bago dinikitan ng Band Aid. Sunod naman n'yang nilinis ang sugat nito sa labi. " Naku ha, wag kang tumitig sa'kin ng ganyan. Alam kong maganda ako at gwapo ka,pero hindi kita type." Masamang tingin lamang ang ipinukol sa kan'ya ng lalaki. " May cellphone ka ba akin na? " Ang biglang sabi ng lalaki kay Kimy. "At bakit? Ano hohold up in mo rin ba ako?" "Crazy girl." "Aba't narinig ko 'yon ah! Ikaw na nga etong tinutulungan ako pa ngayon ang crazy." "Ang sabi ko akin na ang cellphone mo may tatawagan ako at malabo kong kunin ang cellphone mo dahil for sure pipitsugin lang ang meron ka." Ang sarkastikong sabi ng lalaki kay Kimy. "Aba't may pagka mayabang ka din pala no? Ikaw na nga ang nanghihiram ng cellphone ko ikaw pa may ganang manlait. OH! Ayan pasensiya ka na sa pipitsugin kong cellphone sana makatulong sa'yo." Pag-ka abot sa cellphone ni Kimy ay may tinawagan etong numero at pagkatapos ay isinauli din ka-agad sa kanya. " Ituloy mona ang ginagawa mo. " " Opo, eto na nga po naglalagay na nang gamot sa bulak para ilagay d'yan sa gilid ng labi mo." Habang ginagamot ni Kimy hindi ay maiwasan na nagkakasalubong ang kanilang mga mata. Ang lalaki kasi ay deretsong pinagmamasdan ang malapit n'yang mukha. Si Kimy naman ay hindi mapakali dahil batid n'ya ang pagtitig ng lalaki sa mukha n'ya. " Akala ko ba hindi ako maganda pero kong makatitig ka sa mukha ko parang inlababo ka na sa akin." "Huh! Ibang klase." "Natural ibang klase talaga ako, one of a kind yata to." "Hindi ka ba natatakot sa akin? Baka magsisi ka kapag nakilala mo ako Kong sino ako." "Hubarin mo na yang damit mo bilisan mo? na ang dami ko pang sat-sat. " Lalong napatitig ang lalaki sa mukha ni Kimy. "Mali ka nang iniisip no, Hindi nga kita type kaya hindi kita pagnanasahan. Pinapahubad ko lang yang damit mo para mapahiran ng gamot yang katawan mo dahil panigurado bogbog sirado ka." "Ahmp! Ganun? linawin mo ah. Sige hubarin mo na ang damit ko. " "Ano? Sa lagay ba e, ako pa ang maghuhubad sa'yo hindi naman baldado yang dalawa mong kamay." Pero kahit nagrereklamo si Kimy ay hinubad parin niya ang damit ng lalaki. Inumpisahan na niyang pahiran ng gamot ang namumulang bahagi ng katawan nito ng dahan dahan. " In fairness ha, Ganda ng katawan niya may anim na pandesal, gwapo na hunk pa. " " Ahh! ARAY! Ano ba magdahan dahan ka naman." "Ayy! Sorry! Eto na dahan dahan lang. Arte mo naman kala ko pa naman tigasin ko ampao naman pala.". "WHAT? Anong sabi mo Ampao baka gusto mo ng sampol ako gusto mo ba?" " D'yan ka mona, ibibili kita ng kape para makatulong sa kalasingan mo. " Hindi na hinintay ni Kimy ang kasagutan ng lalaki mabilis etong umalis at bumili ng dalawang kape sa fast food chain na pinagtratrabahuan n'ya. Pagkabalik nito sa lalaki ay ka-agad inabot ni nito ang small cup ng kape. " Oh eto inumin mo kunin mo na bilis at mainit.?"Ang utos n'ya sa lalaki. " What's your name?" "Hindi mo na kailangan malaman pa ang pangalan ko dahil malabo g magkita pa tayo." " Hmm! Sabagay tama ka." "Magiingat ka na next time wag kang masyadong magpapakalasing maraming mga masasamang taong naglipana ngayon lalo na sa gabi at Para makalaban ka for sure naman sa laki ng katawan mo hindi mo hahayaan na mabogbog ka ng gan'yan ka grabe. Alam ko kayang Kaya mo." Hindi alam ni Kimy sa sinabi n'yang iyon ay nagbigay ng malalim na Marka sa puso ni Jaguar. " Anong ginagawa mo sa oras na eto gabing gabi na, bakit pagala gala ka pa. Pokpok ka ba? " " Grabe ka naman, Anong Pokpok ka d'yan,hindi lahat ng taong naglalakad sa gabi ay Pokpok na. Hindi ba pwedeng Kaka out lang sa work at pupunta sa tamang sakayan para makauwi." "So Kaka out mo lang from work, san ka naman nagtratrabaho? At kasasabi mo lang maraming masasamang tao sa gabi so ano etong ginagawa mo naglalakad mag-isa sa madilim na lugar. " "D'yan sa MK Fast food. Teka lang anong oras na nga pala naku, kailangan ko ng umuwi. Sige na bye, mauna na ako sa'yo ha. Ubusin mo yang kape mo at umuwi ka na rin." Mabilis na lumisan si Kimy na nag-mamadali at tumungo sa hintayan ng mga sasakyan. Naiwan ang lalaki na sinusuot ang kaniyang damit. Habang sinusundan ng tingin si Kimy na papalayo at napangiti eto. Kong hindi lamang siya nag-pakalunod sa alak hindi mang-yayari sa kan'ya eto ang mabogbog at humandusay sa sahig ng walang ka Laban-laban. Kong hindi lang ba sa magaling niyang Ama na wala nang ginawa kong hindi ang laitin s'ya ang pag-buhatan siya ng kamay. Sa buong buhay niya ni minsan ay hindi niya nadinig sa sarili niyang ama ang salitang ALAM KO KAYANG KAYA MO. Dahil ni minsan hindi niya nadama na may Ama siyang nag-mamahal at ipinagmamalaki s'ya. Galit ang kaniyang ama sa kan'ya, dahil kong hindi daw dahil sa kan'ya ay hindi sila makakasal ng kaniyang Ina. Nuon kasi ay may minamahal ang kaniyang Ama na ibang babae pero nabuntis nito ang kaniyang Ina ng minsan nakainom sila. Nalaman ng minamahal niyang babae na nakabuntis ang ama ni Jaguar kaya nakipag-hiwalay eto at hindi na nagpakita pa sa kan'yang ama. Ang kasamaang palad namatay ang Ina ni Jaguar ng ipinanganak siya. Hindi tumigil ang kaniyang Ama na hanapin ang babaeng mahal niya hang-gang isang araw natagpuan niya eto at iniuwi sa kanilang tahanan. Grade six na s'ya nuon at may kasama din etong batang lalaki na kasing edad niya. Kapatid daw niya dahil anak din ng Ama niya sa babaeng mahal nito. Mula nuon Lalo siyang hindi binigyan ng pansin ng kaniyang Ama naging paborito nito ang kapatid niyang si Ferrari at Lalo pa siyang na out of place ng mag buntis muli ang kaniyang step mother. Babae ang naging bunso nilang kapatid sa mata ng kaniyang Ama sila lang ang nakikita nito sila, lang ang pinapahalagahan nito at minamahal. Sa murang edad natuto s'yang maging matapang at maging rebelde sa ama. Ginagawa niya ang lahat para mapansin siya kahit sa masamang paraan. Katulad ng pakikpag-away sa school at pag-papa baya sa pag-aaral. Nag-cucuting classes, at nakikipag-barkada. Kaya palaging napapatawag ang kaniyang ama sa school. Subalit pagdating sa bahay ay sinasaktan s'ya nito sinasabing salot talaga s'ya sa buhay nito. Ang katagang kailan man ay hindi niya malilimutan buhat sa kaniyang Ama. Nasa malalim siyang pag-Iisip ng may malakas na busina ng sasakyan ang gumulantang sa kan'yang harapan. Ang kaniyang body na si Benjo ang tinawagan niya kanina at sinusundo na s'ya. Ka-agad naman na Sumakay si Jaguar at nilisan na ang lugar na iyon. "Ano bang nangyari at ang dami mong plaster sa mukha? Sinong may gawa niyan sa'yo at nang maresbakan." "Plano ko talaga 'Yan Benjo, bukas na bukas tipunin mo ang mga tauhan natin at may misyon tayo." " S'ya nga pala may dalawa tayong kliyente ngayon na baguhan at ang isa ay seguradong ikatutuwa mo Alam mo ba kong sino?" "Sino?" "Anak ng kaibigan ng papa mo si Oscar." "Si Oscar? Ano ang Ipinang collateral niya?" "Ang kotse niya, under his name naman kaya ipinasa ko na. Natalo sa Casino nalimas ayon tumakbo satin. " " Binibida pa sa akin ni Papa si Oscar mabait na bata daw at hindi sakit ng ulo, na kagaya ko iyon naman pala sugarol. " " Naku Jaguar balita ko nag-aaddict si Oscar dahil nakita ko siya minsan palabas sa Sky House. " ( lugar kong san bilihan ng droga) Isa din etong Night Club sa Gabi. " Bahala siya sa buhay niya basta mag-bayad s'ya. S'ya nga pala Nag-bayad na ba si Agaston? " " OO, Yong titulo ng lupa n'ya at Ewan Kong saan nakakuha ng kulang. " "Hindi na natin problema 'yon." "Uuwi ka ba sa inyo ng ganyan ang mukha mo?" "Alam ko seguradong pag-uwi ko sa bahay maliit na naman ang tingin sa akin ni Papa kapag nakita akong ganito. Pero kailangan kong umuwi andun ang mga gamit ko sa bahay start na pasokan bukas hindi ba? " "OO nga e, kabubukas lang ng klase for sure n'yan Bro. Sikat ka na naman Ganda ng pasok mo pag ganyan itsura mo. Hahahaha!!!" "Lok ka ah! Halika dito at ba basahin ko 'yang mukha mo para hindi ka naiing-git sa' kin. Para same tayong sikat bukas ako gusto mo?" "Hahahaha! Hindi ah! Sayo na lang ang kasikatan alam mo naman na ikaw ang center at kami ay sa side at likuran lang." "Yan ang gusto ko sa'yo alam mo kong saan ang lugar mo." "Hahaha! Aba syempre mahirap na baka bigla akong maglaho sa mundong ibabaw mahirap na. Gusto ko pang enjoyin ang buhay ko sa piling ng mga chika babes ko. Hahahahha!" " Loko ka baka one day Isa ka ng Ama, sige ka." "Look who's talking? Nag salita ang malinis. Samantalang Idol lang kita, kaya ako nagkaganito ay dahil sa'yo." "At kasalanan nila, sila etong lumalandi satin at dahil mabait tayo Kaya tinutulungan natin sila hahahaha!!!" Ang masayang sabay na wika nina Jaguar at Benjo. "But you know bro. I met a weird woman today." "What do you mean? , at 'bat ganyan ka makangiti. Anong meron?" " A crazy woman, one of a kind' yon ang sabi niya, natatawa lang ako kasi kong alam lang niya na kong sino ako baka hindi ako nuon tinulungan. Alam mo bang siya lang ang kauna-unahang babae na sumasagot sa'kin at take note nakikipagtitigan pa sa mata ko. " " Wow ha! Talaga Bro. Bago nga 'Yan. Siya ba ang nag lagay ng plaster d'yan sa mukha mo at me ari ng number na Ipinang tawag mo sa akin?" "Yes, sya nga, the crazy girl." "Maganda ba?" Napatingin si Jaguar sa mukha ni Benjo. "Pangit?" Ang sagot ni Jaguar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD