"Brad, Yon ba ang bago mong Girlfriend?" Ang bungad na tanong ni Jay Isa sa mga ka tropa ni Jaguar ng gabing iyon sa kanya habang nakatambay sa JD Lending Office. Eto ay malapit lang sa Dillegen Casino pag-aari ng kanilang pamilya.
"Sino?"
"Sino? Sa dami mong babae nalilito ka na baka pwedeng mamigay ka naman tapunan mo naman kami paminsan minsan, baka sa subrang damot mo matuyuan ka na n'yan."
"SIRAULO!..Kong ang tinutukoy mo ay ang babaeng kasama ko sa video hindi ko 'yon kilala."
"Brad naman, bakit ako wala namang nagtangkang babae na humawak ng mukha ko sa malapitan look this video kulang na lang magtukaan kayo isang dangkal lang ang pagitan ng inyong mga matatamis na labi. Ang dami ko din namang hindi kilalang babae pero walang gumawa sa akin ng Ganito. "
"Nasaan na ba si Binok at si Binay bakit wala pa sila dito?" Ang pagiiba ni Jaguar ng usapan.
"OO nga no? Kanina pa sila wala dito ang usapan before nine anong oras na magteten na pala teka tatawagan ko."
Kinuha ni Jay ang kaniyang cellphone at tinawagan si Binok matagal bago naka sagot eto.
" Hello! "
" Nasaan na kayo ni Binay hindi ba't may usapan tayo na before nine magkikita tayo dito. Hinahanap na kayo ni Jaguar."
"Jay nasa hospital kami ngayon nasaksak si Binay.".
"Ano? Nasaksak si Binay?" Inagaw ni Jaguar ang cellphone mula kay Jay nang marinig nitong nasaksak si Binay.
"Hello Binok, Anong nangyari? Paanong na saksak si Binay ha? Sinong gagong nanakit sa inyo? Ang galit at maawtorisadong tanong nito kay Binok bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagkabahala at galit.
"Boss Jaguar, Ang grupo ni Roldan tinambangan kami nagkataon dalawa lang kami ni Binay at marami sila. Pati nga ako bogbog sirado din dapat ako talaga ang masasaksak pero hinarang ni Binay sinalo niya ang kutsilyo g dapat ay sa katawan ko babaon. Boss Jaguar ang kakambal ko tulungan mo siya? "
" Na gamot ka na rin ba nag patingin ka na rin ba sa doktor ha Binok? "
" Boss okay lang ako bale wala etong sakit ng katawan ko ang inaalala ko Boss si Binay matindi ang tama sa tiyan nasa operating room siya ngayon. "
" PUTANGINA! Sige pupuntahan namin kayo d'yan. Jay let's go? "
Nagmamadaling pumunta sila sa Hospital at pagkarating nila duon ay nakita nila si Binok na nakaupo sa harap ng operating room. Agad naman itong tumayo ng makita silang dalawa na halatang subrang nagaalala eto.
" Anong balita lumabas naba ang doktor? "
" Hindi pa Boss.... Sana walang mangyaring masama sa kakambal ko Boss Jaguar."
"Huwag kang magalala Binok matibay si Binay." Ang sabi ni Jaguar habang tinatapik tapik nito ang balikat ni Binok. Saglit na pinagmasdan niya ang itsura ni Binok may sugat eto sa ilong, sa kilay, sa labi, sa dalawang kamao at malamang sa katawan ay may tama rin eto.
" Magbabayad ang mga gumawa sa inyo nito pinapangako ko. Jay samahan mo si Binok sa doktor?"
"Okay lang ako Boss, kailangan ako ng kapatid ko."
"Binok pagamot mo 'yang mga sugat mo at uminom ka ng gamot ako na ang bahala dito sige na." Walang nagawa si Binok kong hindi ang sundin si Jaguar umalis eto na kasama si Jay. Naiwan naman si Jaguar na palakad lakad sa pasilyo nag-iintay sa pag labas ng doktor.
Nang mag bukas ang pintuan ng operating room ka-agad niyang sinalubong ang doktor.
"Dok, Kaibigan ko po yong pasyente kumusta na po siya?"
"Ligtas na siya, Matibay ang pasyente kahit bogbog ang katawan malakas parin ang kagustuhan niyang mabuhay." Ang nakangiting sabi ng doktor.
"Maraming salamat Dok!"
"Your welcome." Umalis na ang doktor at naiwan si Jaguar na tila nakahinga ng maluwag sa magandang balita.
"Sabi ko na matibay ka Binay, wala akong taong mahina." Ang anito sa kaniyang sarili. Parating naman ang dalawa at nagamot na ang mga sugat nito may mga plaster na ang mukha ni Binok.
"Boss, Ano lumabas na ba ang doktor anong balita?"
"Huwag ka nang mag-alala ligtas na siya sabi ko na sayo matibay yang kambal mo. Jay ipatawag mo ang mga Bata natin bukas magsipaghanda kamo sila. May misyon tayo maniningil tayo ng pautang sa grupo ni Roldan."
"OO ako na ang bahala, hindi pwedeng manahimik tayo Jaguar ipapakita natin sa kanila na walang sino man ang pwedeng gumalaw sa pamilya natin."
Si Jaguar hindi sumagot pero makikita sa mga mata nito ang nagaapoy na paghihigante...
"Oo Kuya okay lang ako dito, ikaw ang kumusta Kuya kumusta ang training talaga bang malamig diyan sa Baguio?"
"OO okay naman ako dito. Buti naman at okay ka lang diyan. Kumusta pagaaral? At oo malamig nga dito noong una medyo nanibago ang katawan ko pero kalaunan naman nasasanay na din. Puspusan na din ang training ko at ginagawa ko naman ang lahat ng the best ko para sa future. Hayaan mo next time kapag parehas tayong free na gumala dadalhin kita dito alam kong magugustuhan mo dito. "
" Salamat Kuya! Sige aasahan ko 'yan ipasyal mo ako diyan ha promise? "
" OO nga promise basta pakabait ka d'yan at mag aral ng mabuti. Ang inaalala ko lang kaya mo ba? Nag-aaral ka at nagtratrabaho. Bat kasi kailangan mag trabaho ka pa e kahit papano may naitatabi naman tayong pera sa Banko na pwede mong gamitin. "
" Naku Kuya hayaan mo na 'yon atleast kahit ganito lang tayo may naitatabi tayong pera sa banko. Malay mo may mas higit pang mas importanteng bagay na pwedeng paggamitan ng milliones natin sa banko hehehe!!! . Isa pa okay naman ang lahat sa akin kayang kaya ko naman pagsabayin ang pagaaral at trabaho. Baka nakakalimutan mo kuya matalino yata etong kapatid mo oh hindi ba't scholar ako. "
" OO na sige na. Basta magiingat ka d'yan huwag makikipagbarkada sa mga bad impluence na tao at lagi mong tatandaan mahal na mahal ka ni Kuya. "
" Kuya naman okay na sana ako kaso bakit ka naman ganyan na miss kitang Lalo I love you so much Kuya!"
" I love you too! Sige na Kimy bye na tinatawag na ako ni Coach. "
" Bye Kuya! "
" Bye! "
Pagkatapos makipagusap sa cellphone si Kimy saglit etong nanahimik at pinunasan ang kaniyang mga luha. Naawa siya para sa kan'yang Kuya Tomy hindi eto nakapag tapos ng pagaaral pero kahit naman papano nakapag tapos eto ng Highschool sa tulong ng ALS system kahit bente singko anyos na eto nakatapos. Inuna kasi ng Kuya niya ang trabaho para makapagsarili sila. Dati kasi nakikitira lamang sila sa training ground ng manager ng Kuya Tomy nito.
Iba parin ang may sariling tinitirhan, at iniisip ng Kuya niya na isa siyang babae hindi maganda para sa kanya ang kapaligiran duon na puro mga lalaki at palaging maingay. Gusto ni Kim na makapag tapos at makakuha ng magandang trabaho para mapahinto na niya ang Kuya Tomy niya sa pag boboxing na alam niyang hindi naman talaga eto ang gusto nito.
"Kuya pangako magtatapos ako ikaw naman ang mag-aaral, salamat Kuya." Ang anito habang nakatingingala sa langit. Naghahanda na din siya para umalis para pumasok sa trabaho sa gabi. Masusi niya monang cheneck ang Lpg gas kong naka sirado eto bago lumabas ng bahay, sinusian at nilagyan ng padlock ang kanilang pintuan pati na din ang gate. Habang naglalakad papunta sa tamang sakayan nakarinig siya ng ingay at nang madako ang kaniyang mga mata sa pinanggagalingan ng ingay ay nagulat siya dahil may mga lalaking nagrarambulan aalis na sana siya ng mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na mukha walang iba kong hindi si Jaguar nakikipag umbagan eto.
"E ano ngayon anong paki ko." Ang sabi ni Kimy sa sarili at humakbang na sana para tuluyang umalis. Ngunit nang muli niya etong sinulyapan mukhang hindi niya eto natiis lalo na nang makita niyang marami etong kalaban, at napalo na eto ng kahoy kitang kita niya na naputol eto sa katawan ni Jaguar ng isang lalaking kaaway nito sa hindi malamang dahilan nagsimulang tumakbo ng mabilis ang kaniyang mga paa papunta sa kinaroroonan ni Jaguar. Binigyan niya ng malakas na suntok at tadyak ang humaharang sa dinaraanan niya papalapit kay Jaguar upang tulungan eto.Nang makalapit kay Jaguar ay agad niya etong itinayo.
"Jaguar okay ka lang ha?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"E ano pa ba syempre para tulungan ka hindi kasi kita matiis." Ang sabi ni Kimy. Napatitig tuloy sa kaniyang mga mata si Jaguar.
"Babaeng paki alamera!.. Girl friend mo ba 'Yan Jaguar? Aba maganda at sexy ah, tamang tama pamatid ng uhaw namin. Ha! Ha! Ha! Mapag bigay naman kami Babe ikaw etong kusang lumapit sa amin kaya kahit ihi walang pahinga."
"Ha! Ha! Ha!" Ang tawanan ng mga lalaking kaaway ni Jaguar.
"Akala nyo ba porket babae ako natatakot ako sa inyo, Jaguar kaya mo pa ba?"
" Umalis ka dito, tanga ka ba ha?"
"Sabay tayong aalis dito okay?" Ang sabi naman ni Kimy.
"Anong sabay? At hindi ako aalis dito ng talunan."
"E Ikaw pala ang tanga sa dami nila labing lima yan Jaguar, magisa ka lang magisip ka nga?"
"Halika ditong babae ka dito ka sa akin pagbabayaran mo ang pagsipa mo sa akin." Hinablot nito ang braso ni Kimy Ngunit mabilis namang nakaikot si Kimy at nabaliktaad ang sitwasyon. Napilipit sa likod ang braso ng kalaban at malakas na inundayan nito ng suntok sa batok at bumagsak eto. Naalerto ang mga kalaban at nagsipaghanda para sila ay sugurin na dalawa.
" Basagulera karin pala ginulat mo ko ah?"
" Mali oala ang mga naririnig ko na chismis ang sabi magaling knag fighter kahit sampo kaya mong patumbahin e ni Isa sa kanila wala ka pang napapatumba."
"Hahaha! Ganun ba okay I show you then." Pagkasabi ni Jaguar ay tila nakakain eto ng pampalakas umaliwalas ang mukha tinanggal ang suot na sinturon at pinaikot sa kanyang kamay ang dulo nito. Ang bakal na bahagi ang nakalabas nakahanda kong sino ang unang tatataman nito. At nag-umpisa na muli ang bakbakan ang mga kalaban ay hindi makalapit sa kanilang dalawa dahil tinatamaan sila ng hampas ng sinturon ni Jaguar sa ulo. Si Kimy naman ay nakakagulat dahil magaling din siyang makipaglaban magaling siyang Muay thai boxer. Malalakas na Sipa, tuhod, siko at suntok ang pinakakawalan niya. Na ikinagulat ng mga kalaban at ni Jaguar. Makalipas ang ilang sandali ng matinding salpukan sila ang nanatiling nakatayo. Bagamat may mga tama din silang dalawa sila parin ang panalo. Lugmok sa sahig ang mga kalaban at pinagsisipa parin ni Jaguar ang mga eto.
"Sa susunod kikilalanin ninyo ang gagalawin nyo ha? At paki sabi kay Roldan huwag siyang magpapakita sa akin dahil kapag nakita ko siya ipaparanas ko rin sa kan'ya ang ginawa niya sa kapatid ko naiintindihan nyo?" Pagkasabi nito ni Jaguar ay nilapitan niya si Kimy at kinuha ang kamay nito na nilisan ang lugar na iyon. Tumatakbo silang dalawa na magka holding hands..