CHAPTER 26 MY RED FLAG MAN " Dito na 'ko, Miss mo' ko?" Ang malambing na tanong ng dalaga matamis pa ang pagkakangiti nito. " OO naman.... Kimy." "Bakit?" " W-wala..nagmeryenda ka na ba?" "Hindi pa katatapos nga lang ng huling klase ko eh ng nag text ka." " Saan mo gustong kumain?" "Hmm! Parang gusto kong kumain ng siopai at siomai mabuti pa magfast food na lang tayo." " Sige." "Jaguar may balita ka ba kay Farah hindi kasi siya pumapasok at hindi rin nerereplayan ang mga text namin ni Janice pati mga calls namin deadma lang din." "W-wala ba't naman sakin mo siya hinahanap?" "Hindi ba't connected kayong dalawa? Fiancee mo nga siya kaya naisip ko lang baka may alam ka." " So gusto mong magkaruon talaga ako ng connection sa kan'ya ganun ba?" Ang naiiritang Sabi ni Jaguar.

