CHAPTER 7 "Ano ba, Nath. Kanina ka pa tingin ng tingin sakin ng ganiyan," sita ko sakaniya. Nandito kami sa bahay namin. Kakagaling lang namin sa school at naisipan niya na tumambay muna dito bago siya umuwi. Tinatamad pa raw kasi siya. She was laying on my bed while munching chips and was also staring at me as if I stole his boyfriend from her (kahit wala siya n’on). Nagbabasa pa naman ako ng novel na binili ko pa 2 weeks ago. Ngayon lang ako nagkaroon ulit ng time ipagpatuloy basahin ito tapos di-ni-distract lang ako ng babaeng ito. Gumulong siya sa kama tapos itinungkod iyong siko niya at pinatong ang mukha sa palad niya. "Kasi naman, may iniisip ako," aniya habang nakanguso. Sinara ko ang librong binabasa ko at lumapit sakaniya. "Ano na namang iniisip mo? Iyang mga ganiyang tingin

