CHAPTER 1
It was such a hot day since summer is approaching. Dahil sa init kaya tinatamad pa akong lumabas ng classroom. Kaka-dismissed lang kasi namin at alas tres palang ng hapon kaya naman ang init-init pa sa labas.
"Tara na Damiana! May practice ngayon ng basketball dali! Samahan mo naman ako!" Pag-aaya sa akin ni Nathalie habang pinupwersa niya akong tumayo mula sa magandang pagkakaupo ko. I groaned. Ayoko pa kasi talaga. Atleast kasi dito sa room may aircon.
"Pumunta ka dun! Tapos daanan mo nalang ako dito kapag uuwi na tayo," wika ko sakaniya habang nakapikit ang mata.
"Tara na kasi! Samahan mo naman ako! Palagi ka nalang ganyan," aniya na sa tono ng pananalita ay halatang nagtatampo na. I sighed and opened my eyes. I looked at her na naka-pout na.
"Fine," I said in defeat. Grabe ang init init kasi talaga. Magkakaheat-stroke yata ako sa init, I swear! Ewan ko ba dito kay Nath kung bakit trip na trip niyang lumabas kaagad. Hindi naman siya napapansin nung crush niya na basketball player dito sa university.
"Wow finally!" She exclaimed, clapping her hands in amused. "Tumayo ka na dyan dali!" Aniya at hinila ako patayo.
Habang papunta kami sa gym ay hawak hawak niya lang ako sa kamay. Baka raw kasi bigla akong magback-out at hindi niya mamalayang wala na pala siyang kasama. I just rolled my eyes at her. As if namang iiwan ko siya sa ere. May isang salita naman ako, no. Pero habang naglalakad kami hindi ko alam kung bakit pero biglang gumilid si Nat at nabitawan niya ang kamay ko matapos noon ay parang bumagal ang takbo ng oras habang nakatingin ako sa bolang paparating sakin.
"Miya!" I heard Nathalie shouted.
Because of the impact of the ball, I felt my head turning. Due to that, I lost my balance that made Nathalie run fast towards my position. Other people followed her and I just heard Nathalie panicking. Then I felt someone lifting me up; probably going to bring me to the clinic.
I just kept on groaning because of the pain. Seriously umiikot talaga 'yung paningin ko. Isa pa, ramdam ko ring nagdudugo iyong ilong ko. Sino bang damuho iyong nakatama sa akin ng bola?! Bwisit. Masakit na nga ang ulo ko pinasakit niya pa lalo.
"What happened to her?" I heard the nurse asked sa kung sino mang nagbuhat sakin papunta dito sa clinic.
"Natamaan siya ng bola,"rinig kong sagot nito.
"Nurse! Malala po ba 'yung lagay niya?" Nathalie asked, still in panic. Hinihingal pa siya. Mukhang tumakbo rin papunta dito. Seriously, kung nasa matinong kalagayan lang ako I will really roll my eyes at her. OA eh. Hindi naman ako nabagok, muntik lang.
"I'll check her. She seemed fine dahil conscious naman siya," said the nurse.
I mentally rolled my eyes at the nurse. Well yeah, I am conscious but I cannot open my eyes because of the pain! Kainis.
***
"Are you really okay na? You're not feeling any pain in your head anymore?" Nathalie asked, while she was accompanying me out from the clinic.
"I'm really really fine. Pero gusto kong kuyugin kung sino mang nakatama sakin! Ang sakit talaga!" Reklamo ko.
"Uhm. He didn't mean it naman, Miya."
"At ikaw." Sinamaan ko siya ng tingin. "May kasalanan ka rin sakin," I said while glaring at her. Remember? Kung idinamay niya ako sa pag ilag niya kanina doon sa bola edi sana walang ganitong nangyari! Edi sana nakauwi na ako kanina pa! It's already 5PM. Geez.
"I'm sorry! Adrenaline rush lang iyon! Hindi ko na naisip na matatamaan ka. Hindi ko rin kasi alam na hindi mo napansin 'yung bola," she defended. I just rolled my eyes heavenwards.
"Fine. Pero sino ba iyong nakatama sakin ng bola? Susugurin ko talaga."
"Girl, ano ba. Calm down. Para kang nage-eskandalo dito..." she said almost whispering.
"Kasi naman, naha-highblood talaga ako. I can't just let that man pass! I want him to atleast apologize to me!" I was like a kid na inagawan ng barbie doll ng kaaway. Hindi talaga ako matahimik. Hindi ko rin maintindihan. Hangga't hindi ko nahahanap kung sino man iyon hindi talaga ako makaka-kalma. Hindi kasi ako iyong tipo na mapagpasensya.
"He will apologize to you, okay? At isa pa, siya iyong nagdala sa'yo sa clinic. Yung nagbuhat sa'yo. Hindi ka naman tinakasan. Nagmadali nga kanina na buhatin ka, e."
What Nathalie said made me calmed down... well, at least. Buti naman at mukhang guilty and responsible iyong nakatama sa akin sa ginawa niya. Siguro okay na rin iyong pagdala niya sa akin sa clinic. I'm not gonna whine anymore.
"Can I atleast know his name? Alam mo ba?" I asked her after a minute of silence.
"Gosh. Kaya dapat talaga sumasama ka sakin paminsan minsan man lang sa gym para may kilala ka namang school mate natin except sa mga nagiging classmate mo," she said rolling her eyes at me. Aba. Kasalanan ko bang wala akong pakealam sa mga 'yon? I'd rather sleep and relax myself rather than going to the gym just to cheer for those varsity players. Wala naman silang magandang maidudulot sa akin. "But anyway, he's Jadd Anderson Alarcon, the team captain."
Bigla akong naubo nang malaman ko kung sino ang nakatama sa akin at nagbuhat papunta sa clinic kanina. My heart almost skipped a beat. Seriously? Of all people si Alarcon pa?
"Okay ka lang?" Tanong ni Nat habang naka-kunot ang noo. "May mali ba sa sinabi ko?"
I shook my head at her. "Wala naman," I denied. Nathalie didn't seem to bite my excuse but she didn't ask me again.
Jadd Anderson Alarcon was our schoolmate nung junior high school. He was also my crush. Oh, goodness! Bakit hindi ko alam na dito siya nagcollege? Bakit parang hindi ko naman siya nakikita? Myghad! Ang hirap i-proseso sa utak! O ayoko lang i-proseso dahil bigla akong nahiya? Ay ewan.
Nathalie doesn't know that I had a crush with Jad during our highschool days because I just kept it in myself so doesn't also know when I got rejected by him.
I stopped walking when the memory of him rejecting me way back our high school days when I confessed my feelings to him flashed on my mind. The f**k! Nakakahiya talaga! Sana hindi niya nalang ako pinansin nung natamaan niya ako ng bola o kaya sana may nauna na sakaniya na magdala sakin sa clinic bago pa niya ako nakita!
"Miya?" I heard Nathalie called me. I snapped back into reality when I heard her. "Are you... really okay?" She asked sounded worried and... as if she's thinking I'm being weird?
"Uh... Oo. May naalala lang kasi akong gagawin ko mamaya," I reasoned out. She let out an air as a relief.
"Mabuti naman. Akala ko may side effect iyong tama sayo ng bola, e. You seem weird. Bigla ka kasing tumahimik nung binanggit ko si Jadd."
"I'm not!" I defended.
"O...kay? I just thought. You really seemed weird after kong sabihing si Jadd ang nakatama sa'yo kanina... Is it because he was our schoolmate? You know him?" Aniya.
I sighed. I don't want to answer her but I have to dahil baka kung anu-ano pa ang maisip ng babaeng ito. Motto pa naman niya ang curiousity kills.
"Yup. I just remembered him. At isa pa, hindi ko kasi inakalang dito siya nag-aaral. I haven't encountered him," I said that was partly true. She nodded her head looking convinced with what I've said. Buti naman. I don't like explaining myself especially spilling that secret.
"I cannot blame that you haven't seen him around the university. His college is sa kabila pa ng atin kaya talagang malabong magkita kayo. Tapos hindi ka pa napunta ng gym para manood ng laro nila."
O-kay? Kaya naman pala. With what Nathalie explained, na-satisfy na 'yung curiousness ko. After that day, dumalas na 'yung pagkakasalubong namin ni Jadd which is really really driving me nuts.