CHAPTER 28 “What the heck? Sinabi niya talaga sa’yo ‘yon?!” Hindi makapaniwalang saad ni Nath matapos kong ikuwento sakaniya ‘yung nangyari noong nagkita kami ni Jadd. Napatakip pa siya ng bibig dahil nakakagulat talaga. “Oh ‘di ba? Ang kapal ng mukha,” I told her as I sipped on my tea. Nasa condo niya ako ngayon at kakatapos ko lang sa trabaho. Dito na ako dumiretso dahil hindi ko yata kaya na umuwi sa condo ng ganoon ang nangyari kanina. Kailangan kong ilabas ‘yon dahil baka hindi ko maiwasang isipin mamaya. Atsaka, may mahalaga rind aw na sasabihin si Nath kaya ako naparito na rin. “Mabuti nalang ni-reject mo. Baka isipin n’on ayos lang lahat ng ginawa niya sa’yo noon. Baka i-take advantage ka pa. Pero paano ka niyan? Hindi ka mapadalas ang pagkikita niyo?” I shrugged wh

