Italia Devonaire's Pov "Hon, pahiram naman ng phone mo." Mabilis lang na kinuha ni Lander ang cellphone sa bulsa ng suot na maong at iniabot 'yon sa 'kin. Pumunta ako sa contacts niya para sana hanapin doon ang number ni Louissa kaya lang walang ibang naka-save roon kung hindi ang number ko lang. "Wala ka ng number ni Louissa?" nagtatakang tanong ko rito. Sandali pa at napansin ko na ring na ang sim 1 niya lang pala ang nakabukas. "I have but I saved it on sim 2. I turned it off though so you can't find anyone's phone number there except yours." Kinuha ko na lang din ang sarili kong cellphone para kunin doon ang number ni Louissa. If there's one thing that I couldn't do perfectly, it's memorizing digits unless it's money in my bank account that we're talking about. Swiftly, I type

