Nang mapansin na wala na kami masiyadong nadadaanan na mga bahay at parang ang layo-layo na namin sa Town Proper. Naisipan ko nang itanong kay Lander kung saan ba kami pupunta. I'm sure this is not related to his new found profession. Madalas kasi na kapag may kinalaman sa kandidatura nito para sa pagka-Mayor ang lakad ay may convey siyang bodyguards. Today it's just the two of us. "Ang sabi ni Linnaeus na siyang architect at engineer nitong bahay. Matatapos na 'to sa loob ng dalawang buwan. You can start decorating our house," aniya habang minamata ang bahay na nasa kaliwang bahagi ng kalsadang pinaghituan niya ng kotse. Napatutop ako. Ang puso ko ay bigla na lamang nagwala sa sobrang excitement. This design... the arched windows and arched entry porch grace the front of the dashing

