"That's too much pink, Honey. Paano kung lalaki ang magiging baby natin?" habang hawak pa rin ang baby pink at plain na pajama. Humarap ako kay Lander. Ang makakapal niyang kilay ay kasalukuyang nakikipagpaligsahan sa taas ng akin. "Hindi mo ba alam na pink talaga ang kulay na para sa mga lalaki at blue ang sa babae?" nang nilagay ko na sa basket na hawak niya ang pajama ay kinuha niya 'yon at binalik sa stand. "Lander!" suway ko rito sa tono at lakas na 'di makakaagaw ng atensyon ng ibang taong nandirito. "Let's just go for white para neutral. Hindi ang kulay na gusto mo ang nasunod at hindi rin ang sa 'kin," aniya. I was quick to acknowledge his point so we started strollig around the baby store. Sunod naming tinungo ang hilera kung saan nakadisplay ang iba't ibang uri ng baby bottles.

