Nilatag ni Lander ang kaniyang palad sa aking harapan ilang segundo matapos niya akong maipitan. I look at him curiously; trying to decipher what exactly he’s asking me. Unfortunately, I can’t tell. Humalakhak ito. Dahil ilang beses ko naman nang naririnig ang mumunting ingay na yon ngayong maghapon ay nasanay na rin ako nang kaonti na marinig ito. “Iyong cellphone mo, Hon. Pahiram lang saglit. May kailangan lang akong palitan,” anito bago nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko pa man naibibigay ang aking pahintulot. Kinuha niya na ‘to sa bed-side table. “Lander, akin na.” “One moment, Italia.” My eyebrow shot up at the next thing that he did. Tinaas niya kasi ang cellphone at hinarap sa mukha niya. He’s taking a f*****g selfie with my phone. There goes the last bit of my patience. Nilap

