"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA!" Sigaw ko kay Kurt. Gulat niya akong tinignan ngunit ngumiti din sa huli. Nasa isang bar na naman ako. Matapos kong masiguro na safe na nakauwi si Pia ay dumiretso agad ako dito upang kunin naman si Kurt. "Baby... Baby ko..." Malambing niyang sabi. Napairap ako sa narinig ko. Leche! Bakit ba pareho silang naglasing ni Pia! Mga bestfriend ko nga talaga sila parehas malakas uminom. "TAYO! UUWI NA TAYO." Inis kong sabi. Malakaw ang naging ngisi niya habang tinitignan ako. Hinawakan niya ang s**t glass at nilagok ang alak doon. Natampal ko ang noo ko habang nakikita siyang lasing na lasing na nakaupo sa couch. Bukas ang dalawang butones ng itim niyang polo na naging dahilan kung bakit makikita mo ang dibdib niya. "Pinapauwi na ako ng asawa ko."

