"Welcome to Camiguin Island," basa ko roon sa nakasulat sa malaking billboard nang makadaong na ang barge na sinasakyan namin. Preskong hangin ang sumalubong sa akin nang tuluyan ng huminto ang barge. Kinuha ko ang shades ko at sinuot. Nagsitayuan na ang mga tao hudyat na nandito na talaga kami. This feels surreal, after how many years nakadating na rin kami. Kinuha ko ang aking maleta at naunang bumaba. Tito Dave will pick us up kapag nakadating na raw kami. Pagkababa ko sa barge ay dumiretso na agad ako sa parking area. The heat feels so good, I never thought that I would love the sun this much. Dahil nga alam ni Tito kung anong oras kami darating ay nakaksiguro akong nandito na siya. As expected nakita ko na siya roon sa may parking area kaya kumaripas ako nang takbo papunta sa kaniy

