“Sa’yo iniwan lahat.” Tumingin ako kay Jade. “Hindi ko kailangan niyan,” ani ko at tumayo. “Kailangan mo lang pumir—” “I don’t need her wealth!” singhal ko sa kausap kong Jade. “I need her not her wealth.” Tumitig lang siya sa akin bago mapailing. Dalawang araw na ang nakalipas... dalawang araw na rin akong walang maayos na tulog at kain. Gusto ko sanang sumama sa mga kapatid ko na pumunta sa Japan pero kasama nila si Papa, idagdag pa na hindi naayos ni Yanie ang passport ko dahil sumama rin siyang umuwi sa Japan. Tiningnan ko ang mga papeles na nasa harap ko at binasa ’yon. Si Mama talaga hanggang sa huling oras niya ay ako pa rin ang inisip niya. Pero hindi ko pa rin mapirmahan ang mga papel na ’to kasi... kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. “Alam ko na mahirap para

