1

1165 Words
LEANDER'S P.O.V. "Kuya? saan ka pupunta?" tanong sa akin ng nakababata kong kapatid na si Shyra. "Sa Hacienda Villaruel. Kailangan kong bibiisitahin si mama bing at papa dong" Sagot ko kay Shyra habang papasok sa loob ng kotse. "pwede bang sumama?" tanong nito. "No. Malayo iyon Shyra sa Aurora province" pag tatanggi ko sa gusto nito. ngumuso ito at padabog na naglakad papasok sa loob ng mansyon. Napangiti ako habang tinitingnna itong naglakad. 22 years old na ito, ngunit parang bata pa din kung umasta. Ngayon pa lamang ay naaawa na ako sa magiging asawa nito. napaka spoiled ito at isip bata. Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at nag drive papalabas ng mansyon. Habang binabaybay ko ang kalsada patungong Aurora Province naalala ko ang usapan namin ni mama bing sa Cellphone kagabi. Gusto ako nitong makita dahil namiss nya daw ako. dalawang bwas na kasi ng hindi ko sila nabisita sa Aurora. Ayaw kong maging malungkot ito kaya't nangako ako na bibisita ako doon ngayong araw. Si mama Bing tumayong nanay ko sa loob ng pitong taon, mula noong natagpuan niya ako sa kakahuyan habang binabaybay niya ang daan pa uwi sa kanila sa bundok. Mag mula noon ay wala na akong maalala tungkol sa aking nakaraan. anim na oras ang ibinyahe ko mula sa Maynila papunta dito sa Aurora. Nang marating ko ang Hacienda Villaruel ay sa likurang gate ako dumaan upang maka pasok. Hindi kasi pinapayagang pumasok ang sasakyan na hindi pag aari ng pamilya Villaruel sa Main gate. "Anak?" Masayang tawag ni Mama bing sa akin habang papababa ako ng aking sasakyan. Mabilis itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako "Kamusta kana?" tanong nito sa akin "Ayos lang po ako mama" sagot ko dito. Hinawakan nito ang aking pisngi. "Ang pogi na talaga ng anak ko" mangiyak ngiyak na sabi ni mama bing. ngumiti ako dito "aba syempre s inyo ako nag mana ni papa dong" Pagmamayabang ko sa kanya. Napatawa ito sa sagot ko. "Ikaw talagang bata ka" sabi nito "Hali kana sa loob. ipinagluto kita ng paborito mong pagkain" Alok niya sa akin. Excited naman ako na pumasok sa loob ng kubo namin. Sinuri ko bubong ng aming kubo. butas butas na ito sira na rin ang kusina. "Mama? sumama na kayo sa akin. Doon na tayo sa maynila tumira, naka bili ako ng Villa para sa inyo" Alok ko sa kanya. naka bili kasi ako ng Villa sa Quezon City. at gusto ko sila ang tumira doon. "Isang taon pa anak. Kaylangan lang tapusin ng papa mu ang pagbabayad ng utang natin" sabi nito. utang bayad sa pagpapa opera kay Sandra, ang kaisa isang anak nola ni papa Dong. nagkaroon kasi ito ng bato sa kidney. ni hindi ko man lang alam ang plano nilang pagpapaopera sa kanya. kung alam ko lamang ay ako na sana ang nag nagbayad ng lahat ng gatusin. Inalok na din sila na ako ang magbabayad sa lahat ng utang nila, ngunit hindi pumayag si papa Dong. dahil Nahihiya daw sya tunay kong pamilya. tinitigan sa mukha ni mama bing habang kumakain. Kulubot na ang balata sa paligid ng kanya mga mata, Hindi maitatago ang hirap ng buhay na dinanas nito. Matagal na itong nagtatrabaho dito sa Hacienda bilang fruit picker at si papa dong naman ay taga Spray ng mangga. Naalala ko noong isang pa lamang ako dito sa Hacienda ay tumutulong ako sa pagiging Fruit picker, minsan ay nililinisan ko ang paligid ng manggahan, tinatabas ko ang mga mahahabang damo at minsan din ay tinutulungan ko si papa dong na mag spray. Sobrang hirap ng trabaho namin. At kahit mahirap nag buhay namin dito noon ay masaya kaming nagsasama dito sa maliit na kubo. "Eto anak. Paborito mo" Sabi ni mommy habang inaabot ang mangkok na may lamang Labong na ginataan. Agad ko itong kinuha at kinain. Nilasap ko ang sarap ng ulam. Hinding hindi ko ito ipagpapalig sa kahit na anong masasarap pagkain, ito talaga ang paborito ko. "Si papa dong po mama?" Taka kong tanong kay mama. "Nasa manggahan pa anak. mamayang hapon pa ang uwi nun" sagot naman nito sa akin. Hindi ko na tinanong si Sandra dahil alam kong nasa baler ito at doon ng aaral ng koleheyo. Nang matapos kaming kumain ni mama ay nagpaalam ako dito upang mag tungo sa batis. Habang na upo sa damuhan ay nakita ko ang isang pamilyar na babae na naka upo sa bato. Athena? Biglang uminit ang aking ulo ng makita ito. Napakaganda niya at bagay na bagay ang pangalan niya sa kanyang itsura, ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay mala demonyo ang pag uugali nito. Hindi ko inaasahang makikita ko ito dito. Naalala ko tuloy ang dinanas ko nang dahil sa malditang babae na ito. Ilang beses ba naman niya kong ininsulto, sinigawan at ipinahiya kung kaya't abot langit ang galit ko sa kanya. Natatandaan ko pa ang una namin pag kikita. Kakatapos ko lamang noon mag damo nang makita ko itong naglalaro sa batis sa may likurang bahagi ng mansyon nila. Nangunguha siya noon ng bato, tumingin ito sa unahang bahagi ng batais kaya't nakita ko ang buong mukha niya. Napakaganda niya, Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa mukha niya. Maya maya ay napansin niya akong naka tayo sa gilid ng batis, Una ay nabigla ito nang makita ako, ngunit biglang nag iba ang expression nito at tila galit "What are you looking at? Jerk" sigaw nito sa akin sabay talikod at umalis sa batis. Maganda sana masungit naman. sabi ko sa aking isip. Nasundan pa iyon ng ilang beses. Sa tuwing mag kikita kami ay nagagalit ito at sinisigawan ako. Wala na akong magawa noon dahil katulong kami at siya ang boss namin. Sariwa pa din sa akin huling pang iinsulto nito. Nangyari iyon dito mismo sa kinauupuan ko. Habang nagpapahinga ako ay nakita ko itong Inaabot ang latigona naka sabit sa may puno. "Maam? goodafternoon po" bati ko dito. lumingon lang ito sa akin at sinamaan ako ng tingin. Naka balik na ako noon sa tunay kong mga magulang at Nag aaral ng Criminology Ateneo de Manila University. Kasulakuyan ako noong binisita ni mama Bing at papa Dong. Nakita kong hindi nya maabot ang latigo dahil medjo maliit ang taas nito, kayat tumayo na ako upang tulungan ito. Kinuha ko ang Latigo at ibinigay sa kanya, pagalit niya itong inagaw sa mga kamay ko at nag lakat nang tatlong hakbang papalayo sa akin. Nagulat ako ng bigla nitong hinampas sa aking ang latigong hawak nito. Tinamaan ang aking braso. "Hampas lupa" Sigaw nito bago tumalikod at tumawa nang malakas. Naiwan ako naka tayo habang namimilipit sa sakit. sinuri ko ang aking braso na tinamaan ng latigo. Na punit ang manggas sa suot kong shirt, nakikita ko ang daloy ng dugo pababa sa aking kamay. "f**k you Athena Villarruel! May araw ka rin sakin" Gigil na sabi ko sa aking sarili. Doon nagsimulang umusbong ang galit na nararamdan ko para kay Athena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD