Devorah’s POV
Maaga akong gumising para maghanda ng almusal, papungay pungay pa akong nakatingin sa wall clock at mag aalas-singko pa lang.
Agad akong nagtungo sa kusina, agad akong nagsalang ng sinaing sa rice cooker, ang bahaw naman ay nilamas ko para isangag. Pagtapos kong mag sangag ay nag prito ako ng itlog, tocino at tuyo.
Matapos ko kong nagluto ay inilapag ko sa mesa ang isang malaking mangkok na sangag, pati na ang mga pinirito ko at tinakpan na muna para makaligo ako.
Mamaya na ako kakain..
Niready ko na muna ang susuotin ko matapos ay dala dala ko itong pumasok sa banyo. Halos kalahating oras yata ako sa pagliligo, kasama na don ang pagpapatuyo ko ng katawan at pagbibihis.
Nang matapos ay lumabas ako ng banyo, nakabihis na at nakabalot ng tuwalya ang buhok ko.
Pero ng patungo na ako papunta sa mesa, naroon na si Mama at Lilian. Kumakain, pag tingin ko sa niluto ko wala na… kahit kapiranggot ng ulam, wala na.
Tinigna lang nila ako at sinamaan ng tingin, ni hindi man lang nila tinanong kung kumain na ba ako.
“Oy Bora, itimpla mo nga ako ng kape” utos ni Mama.
Napakuyom nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa inis. “Ako rin ate!” dagdag pa ni Lilian. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni mama.
“Oh may angal ka? baka nakakalimutan mo Bora, birthday ng kapatid mo bukas! magpapaparty raw ang kapatid mo, magpupunta raw ang mga classmate niya, wag mo ipahiya ang kapatid mo! bigyan mo ako ng pera para sa panghanda niya at iinumin nila!” litanya ni mama.
Napapikit ako at huminga ng malalim, pilit kinakalma ang sarili. “Wala pa akong sahod” tipid kong sagot at tumalikod na para ipagtimpla sila ng kape.
“Ma! nagsabi na ako sa mga classmates at kaibigan ko! nakakahiya!” pagbubulakbol ni Lilian, hindi ko sila hinarap patuloy lang ako sa pag gawa ng kape.
“Wag kang mag alala, gagawan yan ng paraan ng ate mo. Diba Bora?” ani Mama.
Napakuyom ako, napapikit, iniisip ko kung ano bang isasagot ko sakanila.
“Sana nagsabi kayo agad, hindi yong ngayon nyo sasabihin edi sana nagawan ko ng paraan” mahinahon kong sabi.
“Abaaaa.. at talagang! so kasalanan pa namin? kasalanan pa namin ngayon na wala kang silbi? gumawa ka ng paraan! kung pwedeng mag púta ka na muna sa daan gawin mo!” sigaw ni mama kaya ni na ako nakapag pigil, hinarap ko sila at sinamaan ng tingin.
“E ba’t hindi ikaw ang mag púta?! ba’t hindi si Lilian ang pagawain mo ng paraan tutal siya rin naman naka isip na mag paparty bukas para sa birthday niya! bakit ako?!” sigaw ko.
“Aba anímal ka sumasagot ka na!” gigil na sabi ni mama hinila niya ang buhok ko tsaka sinubsub sa mesa.
“Aray ma tama na! nasasaktan ako!” sigaw ko. “wala akong pake alam hayop kang wala kang kwenta!” sigaw pa nito sakin.
Hindi ko na kinaya ang sakit ng ginagawa ni mama at mgasalita niya kaya naman buong pwersa ko siyang tinulak dahilan para mapaatras ito at mapaupo sa bangko na kung wala lang roon ay malamang sa sahig ang bagsak niya.
“KAYO ANG WALANG KWENTA!” sigaw ko, nakita ko kung paano mabilis na lumapit si Lilian kay mama at napayakap rito.
Halata sa mga mukha nila ang gulat, takot dahil sa pamumutla nila.
“TANG INA! BUONG BUHAY KO BINUHOS KO SAINYO!” sigaw ko.
“PATI PANGARAP KO! SINAKRIPISYO KO PARA SUPORTAHAN LAHAT NG GUSTO NYO!” sigaw ko ulit, kita ko kung paano gustong magsalita ni mama pero hindi niya magawa.
“TAPOS TATAWAGIN NYO AKONG WALANG SILBI?! WALANG KWENTA?! KAKAPAL NG MGA MUKHA NYO!” sigaw ko pa, nanginginig na ang mga kamay ko, ang mga luha ko ay ayaw mag paawat sa pag buhos.
“ALAM NYO BA KUNG ANONG ARAW NGAYON?! HA! TANGINA BIRTHDAY KO! TAPOS GUSTO NYO ISIPIN KO BIRTHDAY NYO?! SIMULA MAMATAY SI PAPA HINDI KO NA NAGAWANG MAG CELEBRATE NG BIRTHDAY KO KASI MAS IMPORTANTE YANG BIRTHDAY NG ANAK MO!” sigaw ko pa.
Natahimik ang paligid, parang walang hangin, walang kahit anong kaluskos na maririnig.
“KAHIT BATIIN NYO MAN LANG AKO HINDI NYO NAGAWA! TANGINA SABAGAY… WALA NAMAN PALA KAYONG PAKE ALAM SAKIN E! KAHIT NGA GALING AKO SA TRABAHO PAGOD AKO PA MAG AASIKASO NG LALAMUNIN NYO! IHAHAIN KO PA SA HARAP NYO! NAISIP NYO BA YON?! SYEMPRE HINDI! KASI MGA WALA KAYONG ISIP!” sigaw ko pa, nanginginig na ang mga labi ko dahil sa pag pipigil na humagulhol ako.
“SUMUSOBRA KA NA!” sigaw ni Lilian sakin. “MAS SUMUSOBRA KAYO! LALO KA NA!” sigaw ko pabalik sakaniya.
“WALA KA NA NGANG MAITULONG TAPOS BIBIGYAN MO PA AKO NG PASAN–” natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong humapdi ang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni mama.
“Hayop ka! ang lakas ng loob mong pagaalitaan kami ng kapatid mo ng ganyan!” gigil na saad ni mama.
“Wala kang karapatan pagsabihan kami! wala kang karapatan mag reklamo!” sigaw pa ni mama.
“At kayo may karapatan kayong tratuhin akong ibang tao? ay mali, kasi sa ibang tao maayos naman ang trato nyo.” saad ko.
“Oo bakit ka tatratuhin ng maayos e wala ka namang kwenta! wala kang karapatan mag celebrate ng birthday mo wala!” dikdikan nitong sabi.
“At kayo meron? tapos perang pinagpaguran ko ang gagastusin nyo?” saad ko pa.
Natahimik sila bigla, kita ko kung paano nag kuyom ng kamay si mama.
“Diba?! kakapal ng mga mukha nyong ganituhin ako! kahit puno ako ng sama ng loob sayo! na sarili kong nanay, pinapakinggan pa rin kita. Sinusunod ko parin lahat ng gusto at iutos mo! tapos ganito?” saad ko tumutulo ang luha dahil sa sakit, galit at sama ng loob.
“Graduating nalang ako sa highschool no’n nung nakiusap ka sakin na tumigil na muna ako sa pag aaral para maipagpatuloy ni Lilian yung pag aaral niya! Nakiusap ka sakin na ako na muna, ako na muna ang mag hanap buhay kasi wala na si papa!” saad ko, patuloy napinupunasan ang mga luha ko.
“16 lang ako no’n ma! naisip mo ba ‘yon?! 16 LANG AKO! NUNG MAKIPAGLABADA AKO! MAG UMPISANG MAGING TINDERA SA MGA KARINDIRYA PARA MATUSTUSAN KO PAG AARAL NI LILIAN AT SA PANG ARAW ARAW NATIN!” hagulhol ko.
“Alam mo kung anong mas masakit?!” saad ko, nakangising masama ang titig sakanila.
“YUNG MALAMAN KONG NAGPABAYAD KA SA NAKADISGRASYA KAY PAPA! TAPOS PINANGSUGAL MO LANG?! AT BADANG HULI AKO ANG NAGDUSA! AKO ANG SUMALO LAHAT NG PASANIN SA BUHAY!” sigaw ko.
“DAPAT LANG! DAHIL ALAM MO SA SARILI MO NA GUILTY KA! KAYA KAHIT ANONG PASAKIT WALA KANG REKLAMO! KASI ALAM MO SA SARILI MO NA DAHIL SAYO KAYA NAMATAY SI PAPA!” natigil ako sa sigaw na ‘yon ni Lilian, at dahil do’n ay napangisi naman si mama.
“Tama! ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang papa mo! kaya dapat lang lahat sayo yan!” pang gagatong pa ni mama
Pagak akong natawa dahil sa sinabi nila. Hindi ko naman itatanggi na minsan ko rin sinisi ang sarili ko sa pagkawala ni papa. Kung hindi nga naman ako nagpasundo no’n malamang hindi mangyayari iying aksidente na dahilan ng pagkamatay ni papa.
Pero matagal ko ng tinanggap na lahat ng mga nangyayari ay may dahilan, walang may kagustuhan.
“Diba? natahimik ka? kasi kahit ikaw alam mo sa sarili mo na kaya ikaw ang ang kailangan bumuhay samin dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si papa na siya dapat ang bumubuhay satin” ani Lilian.
Natawa ako kaya nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sakin. “Talaga? Lilian ilang taon ka na nga ulit? graduating ka na ngayong taon, pero ganyan parin mindset mo? tsk! alam nyo kung bakit ako nag titiis pakisamhan kayo? kasi nag bilin si papa sakin, at kung ano man ‘yon… Sakin nalang ‘yon at siguro naman napatunayan ko na kay papa, nagawa ko na yung ibinilin niya. Nakakapagod kayo!” litanya ko. Hindi ko nahinintay na magsalita pa sa harap ko.
Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng pinto. Paglabas nagulat ako kung sino ang nasa gilid…
“A…anong ginagawa mo dito?” tanong ko, bigla akong namanhid dahil sa hiya.
Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa, tapos tumingin sa loob sa gawi nila mama at Lilian.
“Let’s go!” malamig na saad nito at hinila ako palayo.