Camille Pov
Mabilis lumipas ang panahon. Parehas na kaming nakapagtapos ni Ashlee at ngayon ay kasalukuyan na kaming nagtatrabaho bilang regular employee dito sa resort kung saan kami nag-OJT noon. Ako ay na-asign sa HR palibhasang siya ay secretary nang isa sa kaibigan ng CEO.
Sa aming dalawa, siya ang lapitin ng blessings. Pero never ako nakaramdam ng inggit o selos dahil kung ano man ang meron sa kaniya madalas share kami. Ganoon din ako. Kung pwede nga lang papalitan ang mga apilyedo namin, baka matagal na naming ginawa. Magkadikit daw kasi ang pusod namin sabi ng karamihan. Isa lang ang ipinapanalangin ko sa kanya, ang maging matagumpay siya dahil deserve niya iyon.
"Cams ang lalim yata nang iniisip natin ah." Nandito nga pala siya sa harap ko ngayon. Namomroblema kasi kami kung ano ang susuutin namin para sa welcome party nang aming CEO.
"Ash, iniisip ko kung saan na naman tayo kukuha nang maisusuot natin." sagot ko nalang. Pinakatitigan ko siya nang maigi. Gandang-ganda talaga ako sa kanya. Di kaya natotomboy na ako?
"Ayun nga Cams eh, wala pa tayong maisusuot." sagot naman nito.
"Papadalhan ka yata ni Gel, mamaya Ash. Ako kasi kung wala talaga, titingin nalang ako sa mga dala kong gamit sa bag." may mga formal dresses naman akong dala pero nakakailang kasi na iyon ang susuutin ko.
"Baka may dala din siya para saiyo Cams." sana nga meron.
"Ash, excited ka na bang makita ang CEO?" tanong ko dahil siya ang nakakapagtiyaga sa kaniya kahit sobrang cold niyang tao.
"Excited na talaga Cams. Nakakamiss din kasi si Boss." sabi niya tinignan ko ang oras pero wala paring message si Rogelio. Nagtext ako sa kanya.
"Cams anong oras na oh, wala pa si Rogelio." nag-aalala nang saad niya. Sakto namang nagreply na ito. Sinasabing may emergency daw siyang pupuntahan. Naintindihan ko naman ito.
"Tingin nalang tayo nang pwedeng magamit natin Cams." sumang-ayon ako sa kanya. Dumiretso kami sa staff room na nakatalaga sa amin. At katulad nang dati, para na naman kaming baliw. Nagpapageant-pageant kaming dalawa. May pagkatibo ako, at tanging siya lang ang nakakapag-utos sa aking magsuot nang mga daring na damit. At heto nga, nakasuot lang kami pareho nang 2 piece bikini.
Busy ako sa pagrarampa nong mapalingon ako sa may pinto. Lumaki ang mata ko dahil hindi lang pala kami ang tao doon kundi pati ang mga karoom namin at ang CEO ay nandoon din. Nanigas naman sa kinatatayuan niya si Ash.
"Oh my God..." sigaw ko hindi ko alam kung uupo ba ako o magtatago. Ito ang unang beses na may nakakita sa aking iba na nakabikini and holy s**t! Boss pa talaga namin. Nakakahiya kayo Cams!
"Aaaahhhhhhh" sigaw nang aking kaibigan na di na din malaman kung anong gagawin para maitago ang katawan.
"Wow may pabikini open pala dito sir?" tanong nang isa naming karoom mate.
"Bakit hindi kayo nagsabi na balak niyong magrampa para may audience kayo. Sayang naman ang effort niyo." dagdag din nang isa. Dali-dali akong nagtatakbo sa CR.
Paano pa ako lalabas nito, nakakahiya talaga. Ano ba naman kasing nakain namin na nagmodel-model pa kami. Huhuhu, damit lang na maisusuot ang hahanapib namin eh. Narinig ko ang katok ni Ashlee.
"Cams lumabas ka na diyan, umalis na sila." sabi nito. Pasilip-silip akong lumabas ng banyo.
"Gosh! Ashlee, nakakahiya yun ah." tinawanan lang niya ako. Bwisit kasi na Rogelio yun kung sinunod niya iyong sinabi niyang magpapadala siya ng maisusuot eh di hindi namin maisipang magpa-fashion show na dalawa.
"Cams, wala talaga akong maisusuot." daing nito.
"Saglit nga tawagan ko nga iyong lalaking yun." tinawagan ko siya. Isang ring lang ay may sumagot na. Akala ko ba busy siya... tsk...
"Hello Gel, akala ko ba magpapadala ka nang maisusuot namin." bungad ko.
"Ha?" Anong ha, at bakit babae ang sumagot?
"Sino ka? Hello! Hello!" sigaw ko pero pinatayan lang ako.
"Naku ka Rogelio, masasakal talaga kita..." pagmamaktol ko. Ibinato ko ang cellphone ko sa kama.
"Bakit? Anong nangyari." tanong ni Ashlee.
"Ewan ko dun, babae naman ang sumagot." nakabusangot kong sumbong.
"Cams tingin nalang tayo nang ibang maisusuot natin basta komportable tayo." suhestiyon niya.
"Eh ano pa nga ba... Bwisit talagang baklang yun. Malilintikan talaga siya sa akin." nagdadabog kong saad. Pero maya-maya ay pinatawag nang isa sa kaibigan nang CEO si Ashlee. Sabi nito pagbalik ay may mission daw siyang ipinapagawa sa kanya. Kaya wala akong choice kundi lumakad mag-isa. Akala ko magiging maayos na ang lahat sa buhay niya. Kaso nagkamali ako. Dahil ang pagbabalik nang aming boss ang siya namang magiging dagok sa buhay nito.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa araw ng welcome party. Basta ang alam ko biglaan ang pagpapakasal nila Ashlee at boss Hammer. At bigla din ang pagkawala ni Rogelio. Aaminin kong boyish ako manamit at madalas mapagkamalan akong tomboy na hinayaan ko na lang din pero babae ang puso ko dahil una palang alam kong may espesyal akong pagtingin sa nagbabakla-baklahan naming kaibigan.
Dumaan pa ang maraming araw at buwan hanggang sa umabot na nang isang taong kasal ang pinakamamahal kong kaibigan. Doon ko nakita kung gaano niya isinantabi ang mga pangarap niya para lang magampanan ang pagiging asawa ni boss Hammer. Awang-awa man ako ay wala akong magawa. Ang asawa nito ay may ibang mahal at nasa kabilang kwarto lang nila ang babaeng matagal nang pinapangarap nang kanyang asawa. Unang beses itong nagmahal ngunit labis-labis din na pasakit ang dulot nito sa kanya.
"Ash bakit hindi mo nalang siya iwan?" ang minsang payo ko sa kaniya. Ngunit umiling lang siya.
"Hanggat kaya ko pa Cams, aasa ako na papansinin din niya ako." sagot niya.
"Ash nasasaktan ka na, hindi ka pa ba pagod?" doon na siya umiyak. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak nang sobra. Nasasaktan ako para sa kaniya. Kung sana hindi nagpanggap si Rogelio na bakla, at ipinadama niya dito ang pagmamahal na dapat para sa kaibigan ko ay hindi sana ito naghihirap nang ganito. Hindi sana siya nanghihingi nang atensyon. Nasaan ka na nga ba Rogelio, bakit kung kailan kailangang-kailangan ka ni Ashlee saka ka pa nawala?
Hanggang isang araw nagulat nalang ako sa balitang wala na si Ashlee sa poder ni boss Hammer. Dahil sa galit ko, hindi ko napigilan ang sarili kong puntahan ang babaeng dahilan nang lahat.
Si Yanna...
Ang babaeng sobrang kinababaliwan at pinakamamahal nang lalaking nanakit sa aking kaibigan. Walang sabi-sabing pumasok ako sa suit nila. Gulat ang rumehistro sa mukha nito.
"Miss anong kailangan mo?" Alam kong kilala niya ako dahil ilang beses na din kaming nagkita.
"Anong relasyon niyo ni Sir Hammer?" isa siya sa may-ari nang resort na ito, sila ang boss namin pero wala akong oras magbigay galang sa kanya.
"Wala kaming relasyon, kung di ako nagkakamali ikaw ang kaibigan nang asawa niya kaya malinaw naman siguro sa iyo kung ano kaming dalawa." saad niya.
"Wala kayong relasyon pero bakit lapit ka pa rin nang lapit sa kaniya?" galit na ako pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko.
"Sa maniwala ka at sa hindi, wala kaming relasyon ni Hammer. Kaibigan o kapatid ang turing ko sa kanya."paliwanag niya.
"Alam mo bang dahil saiyo labis na nasasaktan ang kaibigan ko?" tinitigan niya ako na parang di naniniwala.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Nawawala si Ashlee, at iyon ay dahil saiyo. Kung sana noon pang ikinasal sila ay lumayo ka na kay sir Hammer, sana masaya siya ngayon." napatulala ito.
"Wala akong alam. Ang akala ko alam niya kung ano kami." Wala sa sariling sagot nito.
"Wala kang alam? Babae ka Ms. Yanna. Alam mo sa sarili mo kung anong tingin saiyo ni boss. Pero hindi ka umiwas. Bakit? Dahil ba takot kang mawala saiyo ang itinuturing na ama nang anak mo?" Oo ang anak niya ay walang kinilalang ama, kaya ang asawa ng kaihigan ko ay nagpakabayani para maging ama nito. At wala akong pakialam kung masakit masampal ng katotohanan.
Nanigas ito. Nagulat din ako sa nasabi ko pero wala akong balak bawiin ito.
"I will fix this." yun lang ang naisagot nito.
"Yes, miss Yanna, you better fix this dahil hindi ito deserve nang kaibigan ko. At ikaw ang dahilan nang lahat." pagkasabi ko non ay mabilis akong umalis. Nakita ko pa ang dalawang kaibigan ni Boss na lumabas sa suit din nila Ashlee. Galit at pagkadismaya ang makikita sa mga mukha nito.
"Where can we find her bro. It's our fault to put Ashlee into this mess." linya ni sir Jigz.
"If only we didn't interfere into Hammers life, hindi masasaktan si Ashlee." Linya naman ni sir Leo.
"That bastard! He is an idiot! Can't he appreciate the love of Ashlee? Why did he marry her because of that damn beliefs kung alam niya sa sarili niyang hindi pala niya ito kayang mahalin?" Anong ibig nilang sabihin? and anong connection ng beliefs na iyan sa pagpapakasal nila?Ano ba talagang nangyari noon? Bakit hindi ito sinabi sa akin ni Ashlee.
Madaming katanungan ang nabuo sa aking isipan pero hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap nang kasagutan. Nasaan ka na ba Ashlee? Bakit hindi ka man lang lumapit sa akin?