Ang nakaraan...
"Yaya, can you please tell dad that we will stay in province?"
"Pero ayaw ng mommy mo dun."
"No, Yaya. He will allow me basta kasama ka."
"Sasabihin ko Raf pero hindi ko maipapangako."
"Yes, I can bring my canvass as well. I will paint the view of the sea."
"O, siya, siya. Basta ipangako mo na magpapakabait ka ha."
Kinahapunan ay ibinalita sa akin ng aking Yaya na pumayag ang Daddy at mommy dahil balak naman daw talaga nilang magbakasyon sa Pangasinan. Susunod nalang daw sila. Labis-labis ang tuwa ko. Nasa 10 years old palang ako noong panahon na iyan pero gusto ko na talaga ang nag-iisa na madalas pinagtatalunan ng aking magulang. I am a carefree person pero sabi ni mommy masyado pa akong bata para magdesisyon sa aking sarili. At the age of 8 ay kumikita na ako ng pera. May nakadiskubre sa aking talento nung minsang nag-mall kami ni mommy. Napagalitan pa ako ng saleslady noon dahil pinagbubuksan ko ang mga nakadisplay na pang arts . May nakita kasi akong babae na may karga-kargang bata. Iyon ang ipininta ko. Kaya ang ending, binayaran lahat namin ng ginamit ko.
"Raf, mamalengke lang ako. Gusto mo bang sumama?"
"Hindi na po yaya, magdadrawing nalang ako sa tabing dagat."
"Sige, papabantayan nalang kita sa caretaker. Wag kang pasaway ah. Saglit lang ako dahil nasa biyahe na din ang iyong magulang."
"No need to remind me Ya, I am already big."
"Sus... bata ka parin."
"Ya, I told you hindi na ako bata. See I can earn money without dad's help."
"Okay po senyorito, panalo ka na po."
That day lumabas ako ng rest house. Nakaharap ito sa dagat kaya malaya kong napagmamasdan ang paghampas ng alon sa mga bato. May nakita akong tatlong bata na naglalaro sa kabilang property. Naagaw ang atensyon ko sa babae na parang kaedad ko lang. Nakasuot lang ito ng short at sando. Napatingin sila sa kinaroroonan ko. Nag-uusap sila habang nakatanaw dito. Kaya naman kinuha ko na ang dala kong easel at canvass. Inayos ko muna ito saka ko binalikan ang mga gagamitin ko sa pagpipaint.
Magsisimula na sana ako ngunit may nagsalita sa aking likuran.
"Bata bago ka lang dito?" tanong ng batang lalaki. Did he just call me bata? Mas bata naman ito sa akin ah.
"I am not a kid so don't call me bata." supladong sagot ko.
"Ano daw ate?" dinig kong tanong niya sa babae hindi din naman niya ito sinagot.
"Laro tayo." sabi ulit nung tumawag sa aking bata.
"I don't want to play. Look I am busy."
"Busy? ang sungit mo naman." sabi naman nung isa pang batang babae.
"Pasensya ka na, ngayon lang kasi nagkaroon ng ibang tao dito kaya gusto nilang makipagkaibigan."
"Okay, can you please leave me now. I have a work to do." pero narinig ko lang na tumawa iyong isang babae ulit.
"Work daw ate oh, bakit may sweldo ka ba diyan? Parang ang tanda-tanda mo naman kung magsalita. At wag ka nga nag-i-english wala tayo sa America." Napapatid na ang pasensya ko sa isang babae na to.
"Charmaine, balik na tayo doon. May gagawin daw siya." sabi naman nung pinakamatanda.
"Hmpt, ayaw mo makipaglaro di wag," nagmamalditang sabi nung tinawag na Charmaine. Matagal na silang nakaalis ngunit di na ako makapagsimula pa dahil na distract na ako. Kaya iniligpit ko nalang ulit ung mga gamit ko. Naisipan kong maligo nalang at magtampisaw sa dagat.
Napagod na lang din ako kakalangoy pero wala parin si Yaya kaya ako nalang din ang kusang bumalik sa loob ng bahay. Nagshower na din ako bago nahiga sa kama. Nanood ako hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.
Isang tapik ang nagpagising sa akin.
"Ralf wake up."
"Mommy, when did you come?"
"We are already here for almost one hour sweetheart." hinalikan ako sa noo.
"Dumating na po ba si Yaya, mom?"
"Yeah, isinabay na namin sya. Someone snatch her money and cellphone that's why she is late. We saw her walking just to reach the house." mabilis akong napabangon.
"What? Is she okay mom? Did they hurt her?" napangiti ang mommy.
"She is okay, you can come down to check her." agad akong tumakbo pababa ng hagdan.
"Yaya, Yaya..." tawag ko. Mabilis naman ako nitong nilapitan.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Are you okay? Did they hurt you? You are not hurt Yaya right?" nagtawanan naman silang lahat sa akin. Niyakap ako nito.
"Ayos lang ako, eto ngat nakatayo ako sa harap mo."
"Thanks God."
"Pera lang iyong kinuha nila at cellphone. Kailangan siguro nung tao kaya hayaan mo na." That day I learn something from them. Na not all bad people are totally bad. They are force to do something that is against their will because they needed it.
Days passed, naligo kaming lahat sa dagat. And as usual nanduon na naman iyong mga bata sa kabila. Naliligo din sila. Lumapit ako sa babaeng pinakamatanda.
"Hi,"
"Hello,"
"Can I join you?"
"Sige." pumunta ito sa may mababaw na parte ng tubig. I just notice the mark on her cleavage part na nakadungaw sa tube na suot niya. Agad nitong inangat nung napansin niyang nakatingin ako dun. Maybe she thinks I am a pervert...
"You have a star mark ha. Cute..." sabi ko nalang. Napansin kong hugis star ito na kulay pula kaya nasabi ko yun. Tumango lang din naman siya bilang pagsang-ayon.
"Baby boy, you have a new friend ha." Sabi ni mommy nung makalapit sa amin.
"Anong pangalan mo ineng?" Tanong nito sa kanya.
"Camille po." magalang na sagot niya.
"Taga rito ka ba?"
"Hindi po, caretaker lang po ang tatay at nanay ko dito." Tumango-tango naman ang aking ina.
"Nice meeting you lovely girl. Baby we will cook our food ha. We have visitors."
"Okay mom, dito po muna ako and mom I told you I am not a baby anymore." simangot ko.
"Yes, you are not a baby anymore but for me you are still my baby boy kahit na magkaasawa ka na. Saka tumingin kay Camille. Wala naman itong pakialam sa paligid niya. Tuloy lang ito sa paglalangoy. Dahil sadyang advance ang utak ko nagets ko agad ang sinabi nito na agad kong sinimangutan.
"Ooopsss I didn't say anything son. Wag kang pumunta sa malayo." Mabilis na paalala nito bago tuluyang lumangoy.
Hinanap ko si Camille, pero di ko siya makita kaya sumisid din ako. Ang mga kapatid nito at nasa pampang na naglalaro ng sand castle. Sadyang magaling silamg lumangoy dahil laking Pangasinan sila at yun ang lagi nilang libangan. Hindi ko namalayang malalim na parte na pala ang napuntahan ko ngunit wala akong Camille na nakita. Sasagap na sana ako ng hangin at para macheck kung umahon na din ba ito ngunit di sinasadyang may pumulupot sa hita ko. Isang lambat na nastock sa loob ng tubig. Hindi ako makaalis kahit anong gawin ko. Nauubusan na din ako ng oxygen sa katawan. Pinilit kong makaangat pero kamay ko nalang ang nailalabas ko. Gusto kong sumigaw pero nakainom lang ako ng tubig. Marunong akong lumangoy pero hindi ko aakalaing maistock ako ng ganito.
Pinipilit ko pa ring umangat pero wala na talaga. Napaluha nalang ako. At pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. But before the last breath I have may humawak sa kamay ko. Iyon lang ang huling alaala na meron ako. After that nagising nalang ako na wala na sa lugar na iyon. She saves me. I don't know how she did it pero alam kong siya ang dahilan kung bakit pa ako nabuhay. After that incident lumipad kaming US at dun na ako nag-aral. Hindi na ako muling bumalik ng Pangasinan dahil di na din ako pinayagan nila mommy.
At the age of 20 I became a famous gallerist and a painter. At utang ko lahat ng ito sa taong nagligtas sa akin. Si Camille, kung hindi dahil sa kanya baka wala na ako dito sa mundong ibabaw.
I tried to find her pero hindi ko na siya nahanap. At the age of 26 ibinalita sa akin ng PI ko nahanap na niya ito. Una naming inalam kung sino ang caretaker sa katabi naming resort isang dekada na ang nakararaan. Pero dahil sa iba na ang may-ari nahirapan kaming hanapin ito. And atlast may lead na. Pero hindi ko iniexpect na makikita ko agad ito bago namin siya puntahan.
And there I saw her. Wasted...