Rogelio Pov "Ehem, pu-pupuntahan ko lang ang mga bata." Nakayukong wika niya sa akin. Pulang-pula ang kaniyang mukha pati na din ang tenga nito. Naglakad na ito papunta sa pinto pero natataranta yata siya kaya di niya mabuksan ito kaya lumapit ako. "G-gel, I think Hash accidentally lock the door." Umalis siya sa harap ng pinto at pumunta sa gilid. Sinubukan ko din itong buksan pero di talaga mabuksan. What a nice move son. Umiling ako kay Camille. Nakita kong kinuha niya ang kaniyang cellphone. May tinatawagan ito kaso mukhang walang sumasagot. Nagmessage ako kay Ashlee. What's going on Ash? Oop's did he locked you inside? Reply niya. "He?" So si Hash ang may pakana nito. Oo, nag-aalburuto na si Camille, Ash. Sorry, Gel, ikaw muna bahala sa kaibigan ko. Huwag kayong mag-alala kay Ra

