Kabanata 1

1652 Words
Jin's POV Dahil ang useless ko sa paningin ng lahat naisipan kong pumunta na lamang muna sa backstage. Sinubukan ko ulit hanapin sa bulsa ng kasuotan ko yung cellphone kaso hindi ko talaga mahanap. Nasaan na kasi 'yon? Oh please kapag panaginip 'to buhusan niyo na ako ng tubig! Gusto ko na umuwi. "Girl oh yung phone mo." Malungkot na sambit ng babaeng tumapik sa balikat ko. "Ano na ulit pangalan mo?" tanong ko.  Siya yung mukhang maamong magandang babae kanina na may hawak na gasera. Imbes na sagutin ang tanong ko,  nilapat niya ang kanyang palad sa noo ko upang pakiramdaman kung may lagnat ako. Tapos inamoy amoy niya ang leeg at damit ko at pinaikot ako ng dalawang beses. Punyeta nahilo ako. "Wala ka namang lagant, 'di ka rin lasing. Hoy liza sinapian ka ba?" curious na curious na tanong niya habang nakapameywang pa. "Excuse me! First of all wag mo akong hinohoy dahil hindi tayo close. Second thing, the f**k hindi ako lasing, wala akong lagnat at hindi ako sinapian!" Inis na sabi ko sakanya. Napansin kong nagsisitinginan 'yong mga tao sa akin matapos kong sabihin 'yan. Nakakaloka. Sino ba kasi 'to?  Sobrang gulong gulo na nga ako eh. "Hala! Bakit nagmumura ka na? Girl grabe ka,  best friend tayong dikit mula high school tapos sasabihin mong 'di tayo close? Anong nangyayari sa 'yo?" Halos pabulong na sabi niya. Tsk anong gagawin ko? Magpapanggap na lang ba ako, na ako ang Liza na tinatawag nila? Pero paano ako magco-cope up sa happenings around me? "Upo ka nga muna. Ang putla mo." Wika ng bestfriend kong dikit kuno. Umupo naman ako sa mono block chair na inalok niya at ganoon din ang ginawa niya sa tabi ko. "You're acting so strange Elizabeth. Hindi ka naman ganyan ka-arte magsalita dati at lalong madalang ka magsalita. " sabi ni self-proclaimed best friend ko. I-career ko na kaya maging Elizabeth habang tinutuklasan ko kung nasan nga ba talaga ako? Tiningnan ko lang siya at hinayaang nagsalita. "Iniisip ko tuloy kung paano na si Eric Blair nyan. Pinaghirapan niyang maging director sa play na 'yon. Hindi na nga kayo nag-uusap, mas lalo pa yatang magkakaroon ng super bullet proof na wall sa pagitan niyo. Hays sayang ang one-month preparation natin para sa role play na 'to. " halos maiyak na sabi niya. Mukhang kasalanan ko nga talaga. Eh sino ba naman kasi ang hindi magiinarte kung bigla ka na lang magigising sa ibang katauhan at lugar at idagdag mo pa 'tong mga strangers. I-career ko na yata mga bebe. "I'm sorry. " tanging tugon ko. Iyon naman kasi yata ang dapat kong sabihin. "Tara muna sa opisina. Mga nakatoka na sa props, at floor manager ang mag-aayos ng stage. " Pahayag ni bff ko kuno at inaya na ako palabas ng Convention Hall. Opisina? Ano naman kayang opisina 'yon? Napansin kong hawak ko nga pala 'yong cellphone na inabot niya kanina sa akin. Siguro makikilala ko kung sino ako kapag binuksan ko 'to mamaya. Kalkalin ko mamaya yung Albums, SNS at Memo. Mom and Dad huhu wait lang muna kayo diyan sa outside world. Narating namin ang opisina sa gilid ng covered court. May malaking banner na gawa sa tela ang nakapaskil sa harap ng opisina at may nakasulat: Plume Chronicle Publication Utang na loob huwag niyo akong ipunta sa mga lugar na 'di ko gamay. Kanina pinapakanta ako eh sa banyo lang ako kumakanta tapos andito ako sa isang opisina ng publication? Send help to 2366. Well pumupunta naman ako sa opisina ng bff ko sa outside world na si Lira kasi kasama rin siya sa student publication. Pero syempre sa ngayon hindi ko alam kung anong role ko rito sa Plume Chronicle na ito. Hindi kalakihan ang opisina pero maganda at air-conditioned. Makintab ang white tiles at may mga artwork na nakasabit sa pader. Mga mga poems na naka-frame at may TV.  Ang ganda ng mahahabang kurtina. Para siyang condo actually. At guess what, may attic pa siya mga fren!  Sarap tumambay! Ang bongga naman ng opisinang ito. Siguro kasya ang mga benteng katao rito. "Oh Liza yung DSLR mo." Tawag saken ng gwapong lalaking nakaupo sa couch at iniaabot ang bag ng DSLR. Lalapit na sana ako kaso napansin kong may gumagalaw sa gilid ko at nakita ko yung poging Eric na nagsisintas ng sapatos sa hagdan. Napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya agad akong nagbigay ng fake smile sakanya dahilan para kumunot ang noo niya. Ibinalik na lamang niya ang atensyon sa pagsisintas ng sapatos. "Psh sungit, jowain kita diyan eh." Bulong ko at napansin kong huminto siya sa pagsisintas kaya naman medyo lumayo na ako agad. Nakangiti naman akong lumapit sa poging nagaabot ng bag ng camera ko raw. Shems!  I love this!  May DSLR ako rito! Feel ko hindi ako writer sa pub na ito kundi photojournalist. Gosh! Keribels! "Ang lawak ng ngiti mo Elizabeth ha." sabi ni kuyang pogi. "Naman! Magte-take talaga ako ng magagandang tanawin mamaya at upload ko sa IG! Yieee!" masayang sabi ko at nagsitahimik ang tao sa paligid. As in tahimik talaga na kahit kuliglig mahihiyang mag-ingay. Nakatingin sila sa akin at ang bawat reaksyon nila ay may bahid ng pagtataka at pagdududa. Shocked ako sa mga reaction nila. "Why oh why mga beshywaps? " Nagkakamot ng ulo kong tanong. "Elizabeth ikaw ba yan?" tanong nung babaeng nagsusulat sa mahabang mesang nasa gilid ng bintana. "Actually ako talaga si Jin pero dahil tinatawag niyo akong Elizabeth, edi go!" pahayag ko. Patakbong lumapit sa akin si bff ko kuno at nagexplain sa mga tao. Habang nageexplain siya tiningnan ko isa isa ang reaction nila at nakita ko si Eric na nakatayo na sa gilid ng cabinet at naka-krus ang balikat at nakatingin sa akin. Patay malisya na lamang akong ibinalik sa harapan ang atensyon. "Ah eh hehe lasing kasi si Liza guys,  pagpasensyahan niyo na. Tsaka humithit yata siya ng floorwax kanina." Walang kwentang pagdadahilan ni bff. "Don't me Lily! Never pa nalasing yang si Liza." sabi naman ng astig na babaeng nagpe-paint sa canvass. Titibo tibo ang dating pero ang cool niya pa rin. Oh so Lily ang pangalan niya. Ang funny naman, nakalimutan ko name niya samantalang yung Eric di ko nakalimutan. "Kung maglalasing at hihithit ka siguraduhin mong hindi madadamay at babagsak ang ibang tao." biglang pagsasalita ni Eric mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at talaga namang nginginigin ka sa coldness ng mata niya.  Pero kasi mas nanginig ako sa kagwapuhan niya. s**t joke lang ayokong lumandi rito! Kasalanan ko nga kasi talaga kung bakit sila babagsak sa play. Bakit kasi mapupunta ako sa lugar na 'to sa time na iyon?  Pwede naman 'yong habang tumatae or nagtotoothbrush. "Excuse me! Di ako lasing and di ako humihithit ng floorwax ano ba! Eh kung ikaw kaya hithitin ko?" medyo mataray na sabi ko at rinig ko ang pagkagulat ng paligid. Ang OA nila ha. Ang hirap kaya maging tahimik lang. "At kailan ka pa nagsalita ng ganyang kahaba at nagtalk back sa EIC? Ha Elizabeth?" tanong nung lalaking nakadungaw mula sa attic. Naguumapaw na sa kabwisitan ang emosyon ko ngayon. Parang awa niyo na gisingin niyo na ako o ibalik sa tahanan ko! Lahat sila ay puno ng pagtataka. So I therefore conclude na introvert ang Elizbeth na ito. Never in my life na naisip na maging ganun. Kung hindi palasalita si Elizabeth pwes sila ang mag-adjust at hindi ako. "Huwag niyo na nga muna pansinin si Liza guys! Aalis na kami hehe." pambabasag ng katahimikan ni Lily at hinila ako palabas ng opisina. Nahagip ng mata ko si Eric na sobrang talim ang titig sa akin hanggang sa tuluyan kaming makalabas ni Lily. "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school. Hawak niya pa rin ang braso ko. "San pa ba? Edi sa boarding house." tugon niya nang hindi ako nilingon. "Eh nasan ang bag ko bukod dito sa bag ng DSLR? Tsaka hindi pa ako nagpapalit ng damit." sabi ko naman "Yan lang dala mo ngayon na bag fren! Sa boarding house ka na rin magpalit may taxi naman agad diyan sa harapan ng school. " sagot ni Lily. Sobrang lalim ng iniisip ni Lily hanggang sa makasakay kami sa taxi. Naglabas lamang ako ng mahabang buntong hininga at tumingin sa bintana. Naging tahimik ang aming paglalakbay kasalungat ng aking maingay na kaisipan. Lahat ng lugar sa paligid ko ay iba. Ngunit hindi pa rin nagiiba ang ganda ng kalikasan. Ang sarap titigan ng kahel na ulap at ang araw na papalubog. Lahat ng nadadaanan kong lokasyon ay bago rin sa paningin ko. Hindi ko pa siya kailanman napuntahan. Typical na hitsura ng syudad. Malinis ang kapaligiran at maraming restaurant na madadaanan. "Nagtext nga pala kanina ang mommy mo Liza. Dadalawin niyo raw ang daddy mo bukas. " biglang pahayag ni Lily. Dadalawin? "Dalawin saan?" takang tanong ko. "Sobrang weirdo mo talaga ngayon girl pero sige, mas gusto ko yang ugali mong ganyan kasi nakakausap na kita. Dalawin sa presinto." Sagot niya. Presinto? Eh?  Kriminal ang tatay ng Elizabeth na ito? "Anong krimen ang ginawa ni dad?" Pag-aacting ko. Nanlaki naman ang mata ni Lily.  Nagbuntong hininga siya at sumagot "Sorry pero hindi ko masagot yang tanong mo. Kasi maski ako na best friend mo hindi mo sinabihan kung anong dahilan ng pagkakakulong ni Tito Leandro." malungkot na sabi ni Lily. Ay iba rin pala tong si Elizabeth. Makalihim wagas! Bff niya tapos di alam buong takbo ng buhay? Kaloka. "Ah okay sige." sagot ko. Gusto ko na muna magpahinga. Parang super nakakapagod ang araw na 'to. Bakit kaya nakakulong ang tatay ni Elizabeth? Hays bahala na. Hindi naman siguro ako magtatagal dito kaya hindi ko na dapat pagabalahan ang whereabouts nitong mga stranger. "Girl nagtext si Eric! Pinapabalik ka niya sa office. " pahayag ni Lily. First time kong mabwisit sa poging lalaki. Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD