Kinaumagahan ay muli ko na namang naramdaman ang sakit sa paa ko—na kagagawan ni Harvey kagabi matapos akong itulak nang malakas sa taxi. Mayroon na itong puting benda. I was forced to ask for help because at some point, I don't have any choice. Napakasakit kaya't ipinagamot ko na. Pagbaba ko sa kulay puting hagdan namin ay bumungad si Mr. Elvi na disente ang kasuotan. He's wearing blue suit with white polo and black necktie. Maayos pa rin ang suot niya na animo'y isang CEO sa malaking kumpaniya. Tinaasan ko siya ng kilay at paika-ikang umupo sa isang upuan dito sa kusina. Dali-dali kong sinunggaban ang mga pagkain kasabay ng pag-upo niya sa harapan ko. Mayroon ditong hotdogs, sunny side up egg, skinless, fried rice at caramel coffee na katabi ng isang basong tubig na siyang lagi kong

