Nasa loob na ako ng sasakyan namin at nakita ko sina Miko at Zamiel na nag uusap. Hindi ko alam kung ano ba talaga pinaguusapan nila dahil napaka seryoso nilang dalawa. Hindi naman siguro tungkol sa akin iyon.
Napansin kong tapos na sila mag usap kaya nag kunwari akong may ginagawa baka sabihin pa nila tinitignan ko sila.
lumapit si Zamiel sakin at ako naman ay nagtaka.
"let's go," Sabi nya sakin at inalalayan pa ako bumaba.
kahit na nagtataka sumunod pa rin ako at napatingin ako sa kambal ko na may kausap na pala sa phone.
"ano pinag usapan nyo?" tanong ko kay Zamiel
"Some business matters," sagot nya sakin
"Hindi ba't kay Miko ako sasabay?" taka kong tanong.
"may importanteng lakad daw sya kaya ako daw muna maghahatid sayo."
"Huh, parang kanina lang galit sya at kulang na lang hatakin nya na ako pauwi," Sabi ko at natawa naman sya sa sinabi ko.
"That's normal Mika," sagot nya.
kinuha nya sakin ang gamit ko kahit na hindi naman mabigat iyon.
"well he's always like that," nasabi ko na lang.
Naalala ko din kasi na ganyan din si Miko nung bago pa kami ni Mark.
binigay nya sakin ang bag ko nang makaupo na ako sa passenger seat ng sasakyan nya at umikot naman sya para makaupo na sa driver seat.
I saw Miko may kausap pa rin sa phone he seems really busy.
nag busina si Zamiel para mapunta samin yung attention ni Miko at tumango lang sya sa amin bilang sagot.
"May gusto kang puntahan?" Tanong nya.
inisip ko kung may gusto ba akong puntahan pero walang pumapasok sa isip ko.
gusto kong mag ingat parang simula nung lumabas yung video feeling ko bawat galaw ko may nag rerecord sakin.
"Wala akong maisip Zamiel baka may sumunod na media natatakot ako na baka pati Ikaw madamay," Sabi ko
nagulat ako ng hinawakan nya yung kamay ko habang yung isa nyang kamay ay nasa manibela.
hawak nya lang yung kamay ko at hindi na ko sinagot parang may iniisip sya kaya tumahimik na lang din ako.
napunta yung attention ko sa cellphone ko sinilip ko iyon at nakita kong unknown number iyon.
Hindi ko alam kung babasahin ko ba Yung message na iyon o ano. napatingin ako kay Zamiel na sa kalsada lang ang tingin pero nung mapansin nyang nakatingin ako sa kanya sinulyapan nya rin ako.
"why?" he asked.
umiling ako bilang sagot sa tanong nya at tumingin ulit sa phone ko.
sa huli binasa ko na rin yung message.
From: 09xxxxxxxxx
tik tak tik tak... the time is ticking.
baka Ikaw pa ang mahuli Princess.
binaba ko yung phone ko matapos basahin iyon. Hindi ko na alam kung ano uunahin ko.
ang dami ko ng iniisip parang sa dami kong gustong malaman feeling ko lahat ng itong nangyayare ngayon ay planado.
tumunog ulit ang phone ko at kay Miko naman iyon galing.
From: Miko
dumaretso ka sa bahay nandoon si Tito he wants to see you.
Napasandal na lang ako at iniisip lahat. paano ko malalaman kung sino ang nag video at paano ko rin malalaman kung sino pumatay sa mga magulang ko kung hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"next time na lang tayo lumabas Zamiel inaantay ako sa bahay dumating kasi si Tito and he wants to see me," paliwanag ko kay Zamiel
"I understand but do you want to eat first bago tayo dumaretso sa inyo?"
"Hindi na siguro Zamiel," Sabi ko
"alright," tipid nyang sabi.
naging tahimik ang pagitan naming dalawa at nakaramdam naman ako nang guilt. he's trying his best to make me feel better pero parang tinutulak ko lang sya.
and I think mas okay na yung ganito. ayokong mag isip ang ibang tao pag nakitang magkasama kami.
I want to protect him as much as possible. ayokong pati privacy nya magulo ko lalo na ngayon galit na galit ang mga fans ni Mark sa akin.
nakarating kami sa bahay mga passed seven at halatang may tao sa bahay namin dahil sa mga ilaw na nakabukas.
"gusto mo ba pumasok?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na alam ko marami ka pang gagawin," naka ngiti nyang sabi sakin.
"Thank you," Sabi ko sa kanya.
hinawakan nya ang dalawa kong kamay at tumingin sa mga mata ko.
"for what?" He asked.
para saan nga ba?
bakit ba ako nag thank you sa kanya?
"dahil palagi mo kong sinasamahan, thank you kasi andyan ka kapag kailangan ko ng kasama."
ngumiti sya dahil sa sinabi ko.
"Akala ko hindi mo na appreciate but I know mahirap lang sayo ang mga nangyayare ngayon but everything will be alright Mika, I will always be by your side, I promise."
Naramdaman ko nanaman ang familiar na feeling na iyon.
Not now please.
masyado pang magulo.
"Okay, Thank you again," medyo awkward Kong sabi dahil hindi ko alam paano ko tutugunan ang sinabi nya.
"Ahm you should go," Sabi ko
"Iintayin muna kita makapasok sa loob Ng bahay nyo before I leave,"
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko sa sobrang awkward at dahil doon dali dali akong pumasok sa gate namin.
pagkapasok ko ng Bahay nakita ko ang pinsan ko na si Jacob.
"Mika you look good," He said ng makita nya ako.
"Thank you Jacob. by the way where's Tito?" tanong ko sa kanya.
"Veranda," Tipid nyang sagot at nag ring ang phone nya kaya nag paalam sya na sasagutin nya iyon.
dumaretso Ako sa kwarto ko at naglinis Ng katawan. I decide na mamaya na lang Ako makikipag kita kay Tito.
nag vibrate ang phone ko at Nakita kong galing sa unknown number iyon.
From: 09xxxxxxxxx
meet me here.
dapat bang ipa imbestiga ko na ito? medyo natatakot na ako. I just want to know kung sino pumatay sa magulang ko.
Nag ayos ako ng sarili at bumaba na, Miko is already here nag text din sya sa akin na bumaba na Ako.
Nakita kong kumpleto na silang lahat at may mga faces na hindi ko kilala. umupo na Ako sa upuan ko at si Lolo Naman ay nagsalita.
"We are already complete why not to start this meeting Emmanuel?" Seryosong sabi ni Lolo.
"Alright Papa, anyway Jacob and I are here because of the important matter that you need to do Mika," Sabi ni Tito.
napatingin Naman Ako sa kanya at itinuro pa Ang sarili ko.
Ako ba talaga?
"The leader of Wudan sect is looking for a bride and you are perfect with him." simpleng Sabi ni Jacob na parang Wala lang sa kanya yon.
"What?" Lito Kong Sabi.
"Wudan is our partner in Sect marami na Rin silang naitulong sa atin. kung kaya naisipan ko na Ikaw Ang ipakasal Kay Yuman para mas lalong maipatibay ang relasyon Ng ating panig sa kanila."
"No, I don't want. Hindi Ako papayag mag pakasal sa taong Hindi ko Kilala."
"I understand your feeling Hija pero ang Lolo mo lang makaka pag decide Nyan"
napatingin Ako Kay Lolo pero hindi sya nakatingin sa akin.
ganon ganon na lang ba Ang buhay ko?
"