AFTERWARDS I [PART I Lucy Joice Asi] "HAHAHAHAHAHA, " hindi mapigilang tawa ni Rylan ng marinig ang kwento ng asawa. Pagkatapos ng pag-uusap nila sa garden kanina ay napaisip si Rylan dahil sa panaginip ni Dylan kaya kinulit nya ito para ikwento sa kanya. "Ry ko, tama na nga yang pagtawa mo, baka ubuhin ka pa," napapahiyang sabi ni Dylan habang inaawat sya sa pagtawa. Nandito sila ngayon sa kwarto nila at naghahanda nang matulog. Napailing pa sya habang pinapakalma ang sarili bago kausapin ulit si Dylan. "So, sinasabi mo na namatay na lang ako ng walang kalaban-laban habang nambabae ka? haha iba din yang panaginip mo," hindi makapaniwalang sabi pa nya dito sabay alis sa pagkakaupo sa kama. "Kaya ayaw kong ikwento sayo at saka panaginip lang naman yun, " nakayukong sagot naman nito

