"Mahal ko 10 pm na, halika na matulog na tayo"turan pa ni Dylan sa asawa habang kinukulbit ito sa braso. Nandito pa rin kasi ito sa kusina at walang tigil sa pag eexperiment ng mga bagong flavor. Dahil sa pagiging abala ni Rylan sa pagbe-bake ay hindi nya pinapansin si Dylan. Isang linggo na ulit ang nakalipas ng magharap sina Rylan at si Genie, ang kapatid ni Grace sa mall. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong ginigipit ni Genie ang negosyo ni Rylan, hanggang sa puntong malapit na nyang isara ang isang branch ng shop nya sa mall sapagkat wala ng nabebebenta rito. Hindi na bumabalik lahat ng mga pinalalabas nyang pera bilang puhunan para sa lahat ng produkto, naiipon na ang stress at sama ng loob ni Rylan ng mga nakalipas na araw at sobra na itong nararamdaman ng asawa nyang si

