Kabanata 16 [Alexa] Hindi ako makapagsalita. Napako ang mga mata ko sa mga mata niya. Gusto ko mang bawiin ang mga ito ay hindi ko magawa dahil tila wala akong sapat na lakas para gawin iyon. "Mukhang pareho silang na-starstruck sa isa't-isa mga pare," rinig kong sabi ni Harold. "Tama ka, tol. Tingnan mo itong si Zayne. Kanina lang ni ayaw makakita ng babae sa bayan, pero kita mo ngayon ayaw ng bumitiw ng mga malalagkit niyang titig dito kay Alexa. Uy, Zayne! Hinga hinga din!" nang-aasar na dagdag pa ni Steven "Ha?" wala sa sariling tugon ni Zayne. "Tsk. Tsk. Lagot ka, Alexa! High na itong pinsan ko sa'yo," sabi ni Harold. Napairap ako sa isip isip ko. Matagal nang high sa akin 'yan. "Baka na love at first sight na?" nabalik ako sa katinuan sa sinabing iyon ni Claus. Umayos ako ng t

