Chapter 24

3118 Words

Kabanata 24 [Third Person] Isang linggo pagkatapos ng masakit na paghihiwalay, nagpasya si Zayne na bumalik sa Maynila. Hindi para ayusin ang sarili, kundi para doon niya simulang sirain ang buhay niya. Bukod sa hindi na siya pumapasok sa mga klase niya, walang ibang laman ang sikmura niya kundi alak. Hindi na rin niya naaasikaso ang negosyong pinagkatiwala sa kanya ng kanyang Lolo kaya walang nagawa si Harold kundi lumuwas at tumulong sa pag-aasikaso nito. At para na rin may makasama ang pinsan niyang kasalukuyang winawasak ang sarili. Sa labis na pag-aalala ni Don Felipe sa apo, humingi na rin ito ng pabor sa dalawang kaibigan ni Zayne na sina Jaxon at Ace upang alalayan ito. Kinakabahan ang matanda sa posibleng gawin ni Zayne. Nagkalat sa sahig ng kanyang condo ang hindi mabilang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD