Chapter 1

2060 Words
KABANATA 1 [Alexa] He kept on following me around. Sobrang naiirita na ako! "Hindi mo ba talaga ako tatantanan? Mind your own business!" sabi ko habang papalabas kami ng Clubhouse. Dumirecho ako sa passenger's seat ng sasakyan niya at hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako. Gusto ko siyang paulit ulit na sapakin hanggang sa matauhan siya at tigilan na ako. "Hinding hindi kita tatantanan, Alexa," chill lang na sagot niya. Inilapit niya ang kanyang sarili sa kinauupuan ko—his mouth touching my ear. "Because you're my business," dugtong niya na siyang nakapagpataas ng mga balahibo ko sa batok. Bakit ba kanina pa ako kinikilabutan sa boses ng impaktong ito? "I've already told you, Zayne, we can't be together. Ano nanaman ba itong drama mo?" sabi ko. Sa lagay kasi niyang ito ay para bang wala kaming napag-usapan tungkol sa kagustuhan kong lumayo siya. "Hindi ko kayang gawin ang gusto mo, Alexa." pabulong niyang sagot. Mariin akong napapikit sa sinabi niya. "Pwes kayanin mo, Zayne! Tangina hindi ko nga kayang suklian ang lintik na pagmamahal mong iyan!" hindi ko napigilang sumigaw. Nararamdaman ko ang unti unting pagkaubos ng aking kakarampot na pasensya. "Hindi naman ako humihingi ng kapalit diba? Just let me love you, baby." he said in a very low voice. Napabuntong hininga ako at napailing. Lagi na lang ganito ang eksena namin sa tuwing sinasabihan ko siya na layuan ako. I'm no good for him. "Hindi mob a maintindiha iyong mga salitang hindi tayo pwede? Zayne naman, maraming ibang babae d'yan. Mas deserving para sa isang tulad mo. Matalino ka, mayaman, mabait, gwapo, may sexy abs, sikat-" agad niyang pinutol ang sinasabi ko at hinigit ako sa braso. Damn this sexy asshole! He smells so good. Ugh! "Talaga? Nagu-gwapuhan at nase-sexy-han ka sa abs ko??" malaki ang ngisi niyang tanong. Inirapan ko siya. "Aba bulag na lang ang hindi makakapansin non!" derecho kong sagot. Nagkakandarapa nga ang mga babae sa kaniya dahil sa kaguwapuhan niya at hindi dahil sa mabait siya. Duh? Who would fall for just being nice? Ang kulit lang talaga ng lahi niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na dumistansya sa akin habang wala pang nakakahalatang may namamagitan sa aming dalawa, ayaw namang kumilos! Gawa yata sa sa pinakamatigas na metal ang ulo nito. "May pagnanasa ka pala sa abs ko, baby." humahalakhak na wika niya. Ghaaad! Even his laugh sounds too damn sexy! May sira na rin yata ako sa ulo! Pero wala siyang karapatang tumawa sa usapan namin ngayon! "Tangina 'wag mo nga akong tawanan lang! Kitang nagagalit ako dito eh!" inis kong sabi sa kaniya. "Pwedeng tigilan mo iyang pagmumura mo," biglang simangot na utos niya. Awtomatikong tumaas ang kilay ko. "Ayoko. Kung ayaw mo akong naririnig magmura, tigilan mo na ang pagbubuntot buntot mo sa akin," sabi ko at nag-ayos ng upo. "Never. Tubuan muna ng pakpak ang mga butiki." parang bata na wika niya habang nakanguso. "That's so f*****g impossible!" giit ko. "I know, baby. So better stop pushing me away 'coz that's so f*****g impossible too." Napakuyom ang mga kamao ko. Ang sarap niyang sapakin! Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko na makita ang nakakairita niyang guwapong pagmumukha. "Ang tigas talaga ng ulo mo. 'Wag mo akong sisisihin kapag nabaliw ka d'yan sa ginagawa mo," nakapikit kong sabi. Tumawa siya ng mahina ngunit sapat na para marinig ko. "Matagal na akong baliw sa'yo at hindi ako nagsisisi," may kasiyahang tugon niya at naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Iyan si Zayne. Ang guwapong pesteng pumepeste sa buhay ko araw-araw. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa akin na hindi raw niya makita sa iba. Ano iyon? Ako lang ang meron? Dakilang pinagpala sa lahat ang peg? Imposible. Ano nga ba kaming dalawa? Magkaibigan? More than friends dahil umamin siyang mahal niya ako? Cliché man pakinggan pero pasok na pasok kami sa titulong friends with minor benefits. We make out, but we don't f**k. Hindi ko masabing dahil may namamagitan sa amin kaya hindi niya ako maiwan. Kase kung gugustuhin lang niya ay maraming babae d'yan ang handang maghubad sa harapan niya at kayang ibigay ang higit sa naibibigay ko. Simula noong umalis ako sa lugar namin sa Alcantara at lumipat dito sa Maynila, nagsimula ang lahat. Bagong lipat ako noon at nag-enrol sa University na pinapasukan ko ngayon malapit sa bahay na binili nila mama para sa akin. Saktong natapos ko naman ang Senior High sa Alcantara kaya first year college na ako nang magsimulang mag-aral dito sa Maynila. Hindi ako nakikipag-usap sa mga kaklase ko. Simpleng pagpasok at paggawa ng mga school works lang ang ginagawa ko at derecho sa Kingston Clubhouse na nadiskubre ko noon. Naging palagay ang loob ko sa lugar at dumalas ang pagtambay ko roon. Hanggang sa isang araw ay sitahin ako ng pinaka perpektong lalaki ng buong University dahil sa hindi ko sinasadyang pumasok ng lasing. "Kailangan kong makausap ang mga magulang mo," seryosong sabi niya. Nanlaki talaga ang mga mata ko noon. Ano ako? Elementary student? "Hindi pwede. Wala sila at isa pa hindi na ako bata para isumbong pa sa magulang. Pansin ko talaga na pinagmamasdan mo ang bawat pagkakamali ko eh. May problema ka ba sa akin?" "Sino naman ang nagsabi na isusumbong kita?" ngumiti siya ng nakakaloko na ikinainis at ikinairita ko. I don't see any trace of goodness in him like what other claims about him. Lalo pa nang dugtungan niya ang sinabi niya, "Magpapaalam lang sana ako na liligawan kita." Tangina! Nasapak ko siya noon! Dumugo pa nga ang ilong kaya napilitan akong gamutin siya at ang gago tuwang tuwa. Jusko! Hinawakan ko rin daw siya sa wakas. Abnormal pala itong kumag na ito eh. Anong parte at anggulo kaya ng lalakeng ito ang pinagpapantasyahan ng mga babae sa kanya? Fine may itsura na nga, but that was not enough! Simula noong mangyari iyon, hindi na niya ako nilubayan. Inamin niyang crush niya daw ako simula pa lang nang unang pasok ko sa University. Second year siya noon samantalang first year nga ako. Ngunit nang umamin na siya sa akin ay second year na ako at third year na siya. Kahit hindi niya pinapahalata sa school ang motibo niya sa akin, bumabawi naman kapag uwian. Kung baga sa showbiz, normal siya sa harap ng camera pero behind the cam? You won't believe it's him. Nang malaman niyang madalas ako sa Kingston, meant to be raw talaga kami dahil doon din pala siya nagpapalipas ng oras. Hindi ko na sinagot at pinigilan ko na lang ang sarili kong bugbugin siya at baka magpa-party pa ang kurimaw. Ang hula ko pa ay dahil din sa akin kaya niya tinanggap ang offer nung manager doon na tumugtog sila every night. "Alexa, nandito na tayo," dahan dahan akong dumilat at nandito na nga kami sa tapat ng bahay ko. Hindi ito kalakihan, pero hindi rin naman kaliitan. "Sige umuwi ka na. Salamat sa paghatid," sabi ko at saka lumabas. Napahawak pa ako sa pinto ng kotse niya nang muntikan akong matumba. s**t. Nahilo ako bigla. "Nagmamadali kasing lumabas eh. Akala mo naman rereypin kita dito sa sasakyan," "Feeling mo naman magpapa-r**e ako sa'yo dito sa sasakyan mo?" "Edi sa loob tayo ng bahay mo," Itinulak ko ng bahagya ang noo niya palayo gamit ang daliri ko, "Ikaw talaga napakalandi mo, noh? Alam kaya ng mga schoolmate natin itong malanding side ng Role Model kuno nila? Hindi ka ba natatakot na mag-iba ang tingin ng lahat sa'yo? You're a perfect guy in everyone's eye, Zayne." "But I was just trying to be perfect for you, baby. At wala akong pakealam kung malaman man nila kung gaano ako kalandi as long as sa'yo lang ako lumalandi," inilapit niya ang mukha niya sa akin. Kahit hindi ganoon kaliwanag ang paligid, I could still see his perfect pair of deep dark brown eyes. Sa totoo lang, nakakabaliw titigan ng isang Zayne Ventura. I may hate him for being too clingy, but I admit that I love it whenever he touches me. May kakaibang dulot sa mga ugat ko iyong bawat haplos niya. He gently pressed his lips against mine. Dahan dahan at tila ingat na ingat siya. Marahan ang paggalaw ng maiinit niyang labi. Aaminin kong masarap humalik si Zayne. Sa akin natututo e. Naaalala ko pa noong unang beses niya akong hinalikan. Siya ang nag-insist ng kiss pero hindi naman pala niya alam kung paano humalik ng tama. Ako pala ang first kiss ng kurimaw na ito. Na-guilty ako ng bahagya dahil sa isang katulad ko lang napunta ang first kiss ng isang Zayne Karl Ventura na No Girlfriend Since Birth pero malandi. He never had a real relationship and I don't know why. Humiwalay ako sa kanya, "Pagod ako ngayon, Zayne. Gusto ko ng magpahinga," He sighed, "Okay." Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng pintuan ng bahay ko. Hindi ko na siya pinapasok sa loob dahil baka maki-overnight pa ang abnoy kapag nakita ang kama ko. "Okay na ako dito. Umuwi ka na at maaga pa ang pasok bukas," sabi ko. "Sigurado kang ayaw mo na lang akong patulugin dito?" bahagyang nakanguso niyang utas. "100% sure kaya lumayas ka na bago pa kita sipain pauwi sa inyo," "Ang sweet mo talaga. O sige na nga aalis na ako. Tawagan mo lang ako kung sakaling nagbago ang isip mo," "Hindi na magbabago," "Tsk. Tatawag ako sa'yo pagdating ko sa bahay, ha?" "Oo sige." sagot ko dahil hindi na bago sa akin ang tumawag siya para lang sabihin na nakauwi na siya, nakakain na, papasok na, gutom na, at kung hindi pa siguro siya nahihiyang sabihin na magbabanyo siya eh ipapaalam rin niya sa akin. "Iyong mga pinto mo at bintana 'wag mong kalimutang i-lock blah blah blah..." wala na akong maintindihan sa mga habilin niya basta tumatango na lang ako para hindi na siya mangulit pa. Nakapikit na rin ang mga mata ko sa sobrang antok kahit na kaharap ko pa siya. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko at ang pagsarado ng pinto. Pagkatapos kong maglinis saglit ng katawan ay ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama hanggang sa nakatulog na ako. -- "Hi, Zayne! Good morning!" "Hello! Good morning, din!" "Hello, Zayne!" "Hi!" "Gwapo natin, ah!" "Hahaha. Salamat!" Psh. Ang aga aga para nanaman siyang nangangampanya. "Ay! Sorry, Miss!" sigaw ng babaeng nakabangga sa akin. "Naglalakad kasi kung kani-kanino tumitingin. Tanga," sabi ko. Umiiral na naman ang kawalang preno ng bibig ko. Damn. Isa isa niyang pinulot lahat ng libro kong nalaglag. At heto nanaman po ako, agaw eksena. "Ano'ng problema dito?" "Z-Zayne..." nauutal na sabi nitong babae at may paawa face pang nalalaman. I faced him and crossed my arms. "Binangga lang naman niya ako dahil busy siyang titigan ka. Nainis ako sinigawan ko siya at sinabihang ang tanga tanga niya," paliwanag ko bago pa makapag-inarte ang babaeng ito. Haay naku! Kelan kaya mababawasan ang mga maaarteng tanga sa mundo? "Okay ka lang ba?" "O-Okay lang ako," sagot ng babaeng mukhang fish steak. Umirap ako sa kawalan. Pareho kaming napatingin ni Zayne kay fish steak girl na nakayuko. "Wag kang feelingera hindi ikaw ang tinatanong niya," sabi ko at hinarap si Zayne. "Okay lang ako. Male-late na nga ako eh," sabay nguso ko sa mga libro kong hawak ni ate girl. Mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang babaeng isda nang makita nga niyang sa akin nakaharap si Zayne at hindi sa kanya. s**t! Gusto kong tumawa ng malakas sa itsura niya kaso baka akalain nila....ang sama sama ko. "Ahm.. Miss? Pwedeng pakibigay mo na sa kanya ang mga libro niya? She's gonna be late to her class," sabi ni Zayne. Parang mangiyak ngiyak itong tumingin sa kanya tapos sa akin. Aww. Ang pa-cute niya. Sarap hampasin ng dustpan! "H-Here," inabot niya sa akin ang mga libro ko at umalis na siya. Pero nakita kong inirapan niya ako bago siya tuluyang tumalikod. What a b***h. "Pumasok ka na. Paalis na si Ms. Fanta Stick ng office niya," ani Zayne na nasa tabi ko. Pinabalik na niya sa klase ang mga chismosang nakapaligid kanina. Sino ba naman ang hindi susunod sa utos ng lalaking ito? "Okay aalis na ako pero pwede bang pakibitawan muna ang kamay ko?" "Oh, sorry," sabi niya. Inirapan ko siya pero tinawanan lang ako. "Mamayang lunch hintayin kita sa band room. Walang tao doon. Just the two of us," "Landi mo, Panget." natatawa kong bulong sa kanya. "Atleast sa'yo lang malandi," tumatawang sagot niya. Napailing ako at naglakad na papunta sa classroom ko. "Iyong parusa mo mamayang lunch break 'wag mong kalimutan!!" pahabol niyang sigaw kaya nagtinginan sa akin ang mga chismosang estudyanteng nagdaraan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD