Janna POV
I'm here at the mall. Waiting for my boyfriend. Syempre chos lang yon.
Wala akong boyfriend pero ka-MU meron.
Hindi MU as malabong usapan ha? Mutual Understandings.
Ohmy. Kinikilig ako.
Ako nga pala si Janna Ruiz. Ang pamilya ako ang may ari ng malalaking malls sa bansa.
I love clothes, shoes and everything basta for girls kaya nga may sarili nakong fashion botique sa mall na pag-aari namin.
Hindi ako maarte pero palaban ako. At kahit mayaman ako, hindi ako sopistikada at mapagmataas. Yung bestfriend ko na ang magpapatunay nun -- si Chelsea Torres na naging bestfriend ko mula pa nung freshmens kami kahit that time, mahirap lang sya.
Wala naman kasi akong pakialam sa estado ng buhay ng isang tao. As long as makakasundo ko, walang problema sakin. Hindi kita dededmahin.
Ex-lover nga pala ng bestfriend ko ang ka-MU ko ngayon pero no hard feelings.
I'm a business management student. 3rd year nako ngayon. At ang hinihintay kong ka-date ngayon ay walang iba kundi si..
"Janna!"
Speaking of my oh so hot ka-MU, he's here. Tumayo nako saka sya nilapitan. "Hi."
"Kanina kapa? Sorry, na-traffic ako ng konti." Sabi nya.
"It's okay Adrian." Sagot ko.
Ginulo nya ang buhok ko na madalas nyang ginagawa sakin. "Let's go?"
Ngumiti lang ako then tumango. Kakain kami ng lunch here sa mall then mamaya maghihiwalay na naman kami.
Pareho kasi kaming may dinadamayan na kaibigan. Yung kaibigan ko at kaibigan nya na mag-fiance ay may problemang malaki kaya ayun, kelangan namin damayan.
By the way nga pala, yung ka-MU ko, isa sa Tigers -- ang basketball team sa Shin-Woo University kung saan ako nag-aaral. Si Adrian Buenavista.
Ang totoo nyan, matagal ko na syang mahal pero wala syang alam. Basta MU lang kami ngayon. Nag-i like na ako sa kanya pero hindi ko pa rin kayang aminin na matagal ko na syang minamahal ng palihim.
Waaa. Nahihiya ako eh.
Bata palang kasi, magkakilala na kami. Elementary yun. Lagi nya kasi ako pinagtatanggol nun sa nambubully sakin. Pero nung highschool lumipat ako sa Japan kaya naglahiwalay kami. Nung pagbalik ko dito sa Pilipinas two years ago, nung mag-college, ayun na naman yung feelings ko kay Adrian. Kaklase ko kasi sya tapos..basta! Ang awkward.
Basta kuntento nako ngayon na ganito kami ka-close. Para nga kaming magjowa kasi lagi kaming nag-mo-mall or kain sa labas.
Nakaka-overwhelmed kaya.
--
Adrian POV
Kumakain kami ngayon ni Janna sa Gerry's grill dito sa mall. Nakakatuwa talaga sya kasama kumain kasi hindi sya conscious sa diet nya. Basta magana sya kumain at isa yun sa gusto sa mga babae.
Ako nga pala si Adrian Buenavista. Ang pamilya ko ang may-ari ng malalaking condo at hotels sa bansa.
Nag-iisang anak lang ako. Pumapasok ako sa Shin-Woo University na pag-aari ng matalik kong kaibigan -- si Kyle Shin-Woo na ngayon ay fiance na ng unang babaeng nagpatibok ng puso ko na si Chelsea Torres.
Nung una mahirap tanggapin pero wala na din akong magagawa. Magkaka-baby na sila at alam ko na mahal na mahal talaga nila ang isa'isa kaya nagparaya na din ako.
Isa pa, habang tumatagal na nakakasama ko si Janna, parang may namumuong spark sa dibdib ko para sa kanya.
Masaya ako sa estado namin ngayon. Parang MU ganon. Hindi kami pero parang kami na rin kasi lagi kaming magkasama.
Ngayon nga lang medyo sandali nalang kami nagkikita kasi yung isa kong kaibigan na si Lance Abellano, may problema sa fiance nya kaya dinadamayan ko. Si Janna ganon din. Kaibigan nya kasi yung fiance ni Lance na si Yumiko Hayashi. Ang alam ko, dun ngayon yun tumutuloy sa condo ni Janna. Wala kasi yun bahay dito sa pinas. Taga-Japan kasi yun at mula nung umuwi yun dito, dun na sya tumira sa mansyon nina Lance. Kaso ayan nga. Kaka-engage lang, nag-aaway naman ngayon.
Pag-ibig nga naman. Napaka-complicated. Buti pa kami ni Janna. Happy go lucky lang. Basta masaya kami sa company ng isa't isa. Ayos na yun.
Bago na yang love na yan.