18

1253 Words
Janna POV Dalawang araw na ang lumipas. Hindi ako pumapasok sa SWU. Dahilan? Dahil ayokong makita sinuman kina Adrian o Ace. Kahapon, nagpunta raw dito si Ace. Instruction ko naman sa mga katulong na 'pag dumating si Ace o Adrian, sabihing may mahalaga akong lakad. Alam kong mali na iwasan sila. Si ace, fiance ko. Si Adrian naman, kaibigan ko. Pero naiipit kase ako sa kanilang dalawa. Nag-aaway at nagkakainitan sila dahil saken. Ano bang dapat kong gawin? "Problem little sister?" Tanong ni Raven. Kauuwi nya lang galing school. Andito ako salas at nanonood ng..ano ba? Wala. Palipa-lipat lang ang channel ng TV dahil wala ako sa sarili ko. Kanina pa pinupuno nina Ace at Adrian ang isip ko. Umiling ako. Nung una, balak kong sabihin kay Raven 'yung tungkol sa pag-aaway ng dalawa. Kaso bigla naman akong nagdalawang-isip kaya 'di ko nasabi. Sabihin ko na kaya? Kase talagang malapit na'kong matulala forever 'pag hindi pa 'to nagawan ng solusyon. "Raven.." "Yes little sis? I know you're not fine. Tell me, what's bothering you?" Wala na akong choice. I need to tell him. "It's about Ace and Adrian." Naupo siya sa tabi ko dito sa couch. "Ma'men! Dalawang lalaki ang pino-problema mo Janna Ruiz?" Parang nagulat pa siya sa tono ng pananalita niya. I showed him my poker face. "Wag kang gumanyan little sis. Hindi bagay sa'yo. Mukha kang ewan." Puna niya. "Kasi naman Raven, pwede mo naman tanungin kung anong meron sa dalawa." "Okay. Tell me, anong meron sa dalawa? Isa sa kanila, bakla? Bromance ba 'to? May tinatago silang relasyon na hindi mo matanggap kaya nagpapaka-bitter ka dito sa mansyon at dalawang araw ka ng absent?" "Raven pwede ka ng maging writer." Sarkastikong sabi ko. "Oh bat napunta dyan ang usapan? Alam kong magaling ako at mat---" "Sa galing ng imagination mo, nakakabuo ka ng mga imposibleng istorya. Psh." Putol ko sa sinasabi niya. Kahit kelan talaga, laki ng pagka-bilib sa sarili niya eh. "Oh ano ba nangyari? Wag kang pabitin. Isang bagsakan agad." Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Nag-suntukan sila dito nung isang, isang araw." "Nagsuntukan lang pal--ANO!? Nagsuntukan sila? At bakit? Anong problema nilang dalawa ha!?" Etong si Raven, kalalaking tao, minsan kala mo nakalunok din ng megaphone eh. "Dahil sa'kin." Napatayo si Raven. "Langya pala yung mga 'yun. Ano yun, pinag-aagawan ka nila? Mga lalaki, tsk. Bat nila ako gayahin!? Kapag pag-aari na ng lalaki ang isang babae, dapat naming irespeto yun. Hindi nakakadagdag pogi points yung mang-aagaw ka. Sino bang gusto mo sa dalawa?" Ayan na. Ayan ang isa sa pinakamahirap na tanong na sasagutin ko. Teka, sasagutin ko ba? Umiling ako. "I don't know." "Hindi pwedeng hindi mo alam. Alam mo little sister, hindi biro na pag-agawan ka ng dalawang lalaki. Sabihin na rin nating given na yan dahil maganda ka, syempre mana ka sa'kin. Tapos mabait kapa, lalo namang yan ang minana mo sakin. Ano pa? Halos lahat ng positive attitudes nasa'yo na. Ano pang hahanapin nila? Pero ikaw mismo, ikaw ang babae. Nasayo ang kapangyarihang mang-dedisyon." Sabi niya. Hindi pa rin ako makasagot. Para kaseng iisipin ko palang na pipili ako ng isa sa kanilang dalawa, ang hirap eh. Sobra. Hindi pa man ako nagsasalita ay muling nagsalita si Raven. "Para lang yang PBB eh, dumadating talaga sa punto na kelangang may ma-evict para may itanghal na big winner. Do you get my point?" Lumalabas na naman ang makata side ni Raven. "Hindi ko kase alam Raven. Alam mo na naman na mahal ko si Adrian, 'di ba? Tapos si Ace 'di ko siya pwede i-evict kase fiance ko siya. What will I do?" "Alam mo little sister, pwede mo naman tanggihan ang arranged marriage." Isa yun sa bagay na 'di ko kayang tanggihan. Dahil kagustuhan 'yun ni Papa. "Hindi pwede.." "Oh edi bahala ka ma-mroblema. Ikaw talaga little sister. Gising na gising ka siguro nung nagsaboy ang Diyos ng kagandahan. Ayan, pinag-aagawan ka tuloy. Tch. Pero wag lang nila subukang magsuntukan sa harap ko. Dahil kung hindi? Kamao ko sasalubong sa mga mukha nila." Seryoso na si Raven. "Bahala na nga. Argghhhh!" Sigaw ko saka tumayo. Umakyat na'ko sa kwarto ko. Psh. Masisiraan na talaga ako kung itutuloy ko pa ang pag-iisip. Pagpasok ko dito sa kwarto ko, phone ko agad ang una kong tiningnan. 185 missed calls 1 new message Sino naman 'to? Nahiya naman yung bilang ng text sa bilang ng missed calls? I check the message first. From: Ace Go to Spade Bar at 7:00 pm. Please. -end- Huh? Tiningnan ko yung mga missed calls. Puro kay Ace lahat. Ganon ba ka-importante na paumunta ako sa Spade Bar? Yun yung bar na sikat sa may Makati. Pupunta ba kaya ako? Hay bahala na. -- Hindi kinaya ng konsensya ko ang hindi pumunta sa Spade Bar. Kaya nagdecide akong pumunta, alone. Nag-kotse na'ko. Wala pang ilang minuto, narito nako sa labas. Sa may park, specifically. Maingay mula sa labas palang. Sabagay, what do you expect sa mga bar 'diba? Natural lang na maingay. Bumaba na ako ng kotse saka huminga ng malalim bago nilakad ang way papuntang entrance. Tinawagan ko na si Ace kanina na on the way na'ko. Pagpasok ko sa entrance, biglang nagdilim ang buong bar sa loob. And then there a spotlight na nasa mini stage. Sino naman yan? Teka, si Ace? Nakaupo sa isang stool tapos may mike siya at may hawak siyang gitara. Nagtataka kayo ba't di ko masyado nakilala si Ace? Kase naman bakit.. Waaaaa! Ba't ang gwapo nya ngayon? Super gwapo niya sa black long sleeve tapos naka-pants and shoes sya. Ang lakas-lakas ng dating nya! Calm, Janna. "Good evening. This special song is dedicated to a special woman.." "Whoa!" "AHHHH!" "OMG!" Nagtitilian na mga tao dito. [Play the song sa gilid. More Than This by One Direction.] Bigla ay natapatan rin ako ng isa pang spotlight. Hanggang sa makalapit ako sa may mini stage. He's looking at me while singing on the stage. Hindi ko alam kung paano o bakit pero biglang lumambot yung puso ko habang nanonood at nakikinig sa kanya. Ganito pala ka-ganda ang boses niya. Nakaka-touched at nakaka... Okay. Nakaka-inlove. Kahit sino sigurong babaeng makakarinig ng boses niya ay mai-inlove. "Ehem. The special woman I told you a while ag is here. She;s standing here in front of me, Janna Ruiz. Can you join me here in stage?" Dug, dug.. Dug, dug.. Kinabahan ako. Pero ayoko siyang tanggihan kaya umakyat ako ng stage. Sinalubong niya ako ng yakap. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga audience. Muli siyang kumanta habang hawak na ang kamay ko. May isa ng nag-gigitara sa bandang likuran namin. Super nakaka-touched ang ginwang 'to ni Ace. CLAP, CLAP. Masigabong palakpakan yung narinig ko mula sa adience bago nabuksan ang ilaw sa buong bar. Ang dami palang tao. Karamihan ay mga babae. "This is the night. To all the girls who had crush on me? Gusto kong makilala niyong lahat ang aking fiance. Si Janna Ruiz. She's gorgeous, right? So..if it's okay, wag niyo na akong sambahin." Hanep si Ace ah. Talagang wag ng sambahin? haha. Okay. Laughtrip yun ah. "HAHAHAHAHAHAHAHA." Nagtawanan yung audience sa sinabi ni Ace. May sense of humor pala ang allaking 'to. "Janna, let's go. May hinanda akong dinner for us." yaya ni Ace saka kami bumaba ng mini stage. Palakpakan ulit yung mga tao. Ang heart, heart ng ginawa ni Ace. In all fairness, kinilig ako don. Pinakilala pa niya ako sa lahat. Okay, plus pogi points for Ace Xander Jung.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD