“Who’s that girl?” Ben looked at me dahil itinuro ako no’ng lalaking kasama niya. Dali-dali kong ipinasok ang mga notebook ko sa bag dahil aalis na ako. Ayaw kong tinitignan ako ng sinuman. Naiilang ako, nahihiya ako. “There you are. Hanap ka ni kuya.” Nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si Hannah, ang kapatid ng kababata ko na si Steven. Tumango ako at dumiretso ng gym dahil nandoon iyon. Kilala ko si Steven dahil bata palang yata kami ay lagi na kaming magkasama. Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang nakangiti sa mga kasamahan niya. Anong oras na ba? “Steven!” Tawag ko. Nang lumingon siya sa ‘kin ay nakita ko ang paglaki ng ngiti niya. Ngumiti rin ako at tumakbo papalapit sa kaniya. Sinalubong niya ako at niyakap bigla. Agad ko siyang nasapak. “Nangyayakap ka na naman. Kaya t

