I wanna say, you're the worst but I can't tell him that. Yenro is being sweet this day. I don't have the heart to say bad things to him kung wala naman siyang ibang ginawa kun'di ang tulungan ako. "Let's start eating?" Tumango ako at kumuha ng tinola na matagal ko na ring hindi natitikman. Ang OA sabihin pero ngayon, naiintindihan ko na ang pakiramdam no'ng mga taong umiiyak because of the food. Hindi dahil nakain na nila ang pagkain na mahirap nilang makain araw-araw. It's because of the feeling na naalala nila because of that certain food. Saka ko lang namalayan ang luha sa mga mata ko no'ng pahiran ito ni Yenro gamit ang kamay niya. Wala siyang sinabi. Nasa harapan lang siya, nakatingin sa akin at nakangiti. "You like it?" Tumango ako. "Does it hurt?" Umiling ako. "Then I as

