“Kamusta naman ang buhay kasama ni Yenro mo?” tanong ni Chichi habang nilalantakan namin ang langka na natira mula sa kinuha ni Yenro kahapon. “Ayos lang naman,” sagot ko ng nakangiti. Masaya talaga ako at ang gaan gaan ng pakiamdam ko ngayon na kasama ko si Chichi. Masaya na ako na wala na akong iisipin pang Lia. Masaya rin ako na kasama ko si Yenro. At mas sumayo ako na kahit papaano, ang itinuring kong kapatid ay narito kasama ko. “Si Arman nga pala, kamusta na siya?” namiss ko rin kasi siya dahil medyo matagal na kaming hindi nagkikita. Isa din iyong kuya ko e. Kasal man kami, ang turingan namin sa isa’t-isa ay hindi lalagpas bilang isang kapatid. “Ayun, masaya sa boyfriend niya,” natatawang sabi niya. Alam kong masaya na siya sa kalagayan ni Arman ngayon. At matagal na rin namang

