Pag-uwi ko ng bahay, agad akong naligo at tinawagan ang numero ni papa ngunit gaya ng dati ay hindi ko pa rin ma-contact. Napabuntong hininga ako para huwag ng maiyak. Kaya ko ito. Malakas ka hindi ba Amanda? Kaya mo ito. Iyan nalang ang lagi kong sinasabi. Sobra na akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Halos mamamatay na ako sa pag-aalala kay papa. Pinalipas ko ang ilang oras sa kwarto saka napag pasyahan na magbihis. Masiyado akong pagod kaya hindi na ako nag-abala na kumain. Kumuha lang ako ng kumot at sa sofa na humiga. Hindi ko alam bakit ako nandito at tila may hinihintay. Sabi kasi ni Yenro ay hihintayin ko siya. Hindi ko din alam kung nasisiraan na ba ako ng bait at heto't hinihintay ko nga siya. Ngunit dumaan ang ilang minuto at oras ay walang Yenro na dumating. Nakatulog na

