Ch 33 - Celeste's Tale (Part 3)

1145 Words

    "Anong ibig sabihin nito?" Dumagundong ang malakas na sigaw ni Rogelio sa bulwagan ng mansyon.      Sa kanyang harapan ay magkahawak-kamay na nakatayo sina Ramses at Celeste. Walang mababakas na takot sa mukha ng binata, determinado ang mga mata nitong nakikipagpalitan ng tingin sa ama. Ang dalaga nama'y nakayuko at mahigpit na nakakapit sa braso ng kasintahan.     Nakapaligid sa kanila ang iba pang kasapi ng pamilya Barcelona. Habang si Alison nama'y tahimik na nagmamasid sa isang gilid, pilit na inuunawa ang mga nangyayari.       "Mahal ko si Celeste, Ama." Mariin pahayag ni Ramses, kasabay nito ay ang paglakas ng mga bulong-bulungan ng mga tao sa bulwagan.      "Anong pinagsasabi mo, Ram? Kapatid natin si Celeste." Sabad ni Foncio, ang bunso sa mga lalaking anak ni Rogelio at Po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD