Mataas ang sikat ng araw ngunit ang malakas na ihip ng hangin ay naghahatid ng saliw at nagpapasayaw sa mga halaman ng hardin. Lumilipad at tinatangay ang mga dahon at talulot ng rosas pataas sa langit. Masayang pinagmamasdan ito ng batang bersyon ni Alison at maka-ilang ulit na sinubukang hulihin ang mga ito gamit ng kanyang mumunting mga kamay. “Florence.” Malambing na tawag ni Ramses sa anak. Nang lumingon ang paslit ay agad itong tumakbo upang salubungin ng yakap ang ama. Binuhat naman siya agad nito at iniikot sa ere bago gawaran ng halik sa pisngi. “Ama, nakita mo ba ang mga tanim na rosas ni ina? Namulaklak na sila.” Buong siglang pahayag ng batang si Alison nang ibaba siya ng kanyang ama. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon ng panganay ng mga Barcelona sa

