Napuno ng usok ang paligid. Napasinghap si Alison at sinubukang habulin ang kanyang hininga. Bigla rin siyang nakakaramdam ng labis na panghihina. Luminga siya sa paligid ngunit bigo siyang maaninag ang mga kasama o maging ang ina na si Celeste sa sobrang kapal ng usok. Before she knows it, everything went black. Nang bumalik ang kanyang ulirat, kakaiba na ang kanyang naging pakiramdam. Tila lumulutang siya sa gaan ng kanyang pakiramdam. Dahil sa pagtataka'y dahan-dahan niyang binuksan ang talukap ng kanyang mga mata. Bahagyang umawang ang kanyang bibig nang tumambad sa kanya ang kakaibang tanawin. Agad siyang napagitla sapagkat mapagtanto niyang hindi pamilyar ang lugar na kinahihigaan. Mabilis siyang tumayo at maingat na sinuri ang kapaligiran. Looks like she's in the middl

