Nabalot ng magkahalong kulay ng ginto at kahel ang langit habang unti-unting sumisikat ang araw. Malambing na nagpalitan ng tingin sina Gael at Alison habang magkasabay na nangangabayo sa kakahuyan. It’s a strange feeling - to feel this free when they haven’t even started or won the war. Sa totoo lamang ay binabagabag siya ng kakaunting kalungkutan na iwanan ang kanyang ina, ngunit ito lamang ang tanging paraan upang matahimik ang panibugho sa kanyang damdamin. Napawi ang kanyang malalim na pag-iisip nang isang agila ang lumapag sa ibabaw ng braso ni Gael at kapwa silang huminto sa pangangabayo. “What’s wrong?” usisa niya. “Sulat mula kay Jahel.” saad ng binata at kinuha ang nakataling kapiraso ng tela sa paanan ng ibon, matapos ay lumipad na ito muli sa hi

