Dalawang araw bago umalis si Dennis pabalik sa Canada ay nadala na ni Janine ang mga gamit ng anak niya sa bahay ng Mama niya. Mahigpit ang bilin niya sa mga katulong na kapag may dadating doon na kahit sino ay hindi ilalabas si Jace. Mukha namang susunod ang mga ito dahil alam na siya na ang magpapasahod sa mga katulong. At tiyak din niyang susunod ang Mama niya dahil ang pagtatrabaho lang niya sa Romano Shipping ang dahilan kung bakit nakakatanggap pa ito at si Jane ng sustento galing sa bulsa ni Patrick. Sa opisina ay inaabala niya ang sarili sa trabaho. Palagi niyang chini-check si Patrick nang palihim sa opisina nito dahil baka bigla itong bumulaga sa bahay ng Mama niya. Malapit na naman ang pagbibigay nito ng allowance para kay Patricia. Mahigpit man ang bilin niya sa mga katulong,

