Tulad kahapon, nagpadala ulit si Patrick ng lunch niya na hindi niya na tinanggihan. Pabor na rin naman iyon dahil marami siyang trabaho at tinatamad siyang lumabas. Pagkakataon na rin niyang tumawag at kumustahin ang anak na pangalawang araw niya nang hindi nakakasama nang matagal. Kaya siya pumasok ng tanghali ngayon dahil hinintay niya muna itong gumising. At mamaya naman ay balak niyang dumaan sa Mama niya para ipagtapat sana ang tungkol sa anak. Pero itong si Patrick, umepal pang sasama sa kanya na hindi niya alam kung nagkataon ba o sadya talaga. "Hindi kaya pinagti-trip-an ka na ng Patrick na 'yan? Bakit kailangan niyang ungkatin ang nangyari sa inyo?" "Hindi ko rin alam. Tinatakot niya pa akong sasabihin niya kay Mama na may nangyari sa amin bago sila ikasal ni Jane kapag hindi

