Katty’s POV “Kapag hindi ka talaga tumigil hahalikan kita dito mismo sa harap ng maraming tao, Katty.” Napatigil naman ako sa pagtawa at huminto sa paglalakad tsaka humarap sa kanya. Minsan lang kami mag kiss so why not? Halik lang naman pala eh. Ang hina naman pala ni Patrick. “Go. Halikan mo ko. Sige lang,” Sambit ko at pinag krus ko ang braso ko sa tapat ng dibdib ko. Napamaang naman siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pinag krus niya rin ang braso niya sa harap ng dibdib niya. “Nag-aantay ako sa halik mo, babe.” Nakangiting sambit ko. Bigla naman siyang yumuko at ginawaran ako ng halik. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa nakapikit niyang mata habang magkalapat ang mga labi namin. Akala ko hindi niya totohanin pero ito at magkalapat ngayon ang mga

