Chapter 5

2630 Words
"Ayos ka lang, Janine?" Xevier's first instinct was to kneel down and pull Janine into his arms, but he couldn't. Hindi siya pwedeng magpakita na naaawa siya nito dahil isa itong wanted. At matagal na rin silang tapos. "I'm so stupid." napahilamos ito sa mukha habang umiiyak. Hindi lang basta umiiyak ito, kundi humagulgol talaga. Sa nakikita niyang paghihisterical nito parang hindi na ito ang Janine na nakilala niya noon. Hindi man lang kasi ito umiyak nong magkahiwalay sila. "Baka...hindi ko na siya...makita..ulit." she hiccuped. "Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" "Ang anak ko, si Robi. Tinangay nila ang anak ko. Hindi ako makapaniwalang pati ang anak ko ay tinangay nila.." hagulgol pa rin nito. Nang hindi niya makayanang pagmasdan lang ito, he knelt until she looked him in the eyes. "Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sayo, Janine. Palagi mong sinasabi na anak mo. Sa pagkakaalam ko kasi ang bagong panganak na sanggol palang ang natala namin na nakidnap sa kasalukuyan." "Pati si Robi ay tinangay rin nila." "Ang gusto mo bang sabihin na dalawa ang kinidnap na bata at isa doon ang anak mo?" Her bottom lip trembled and her head dropped as she pulled her knees in close to her chest again. Kaya naman hindi na masyadong maintindihan ni Xevier ang sinasabi nito dahil nakasubsob na ito sa dibdib niya. At isa pa hindi pa siya fully recovered sa itinurok nitong drugas, hindi pa rin kasi masyadong gumagana ang kanyang utak. Kaya naman ang mga sinasabi nito ay parang halusinasyon lang. Pero teka lang, may anak na ito? Si Janine may anak na? Kahit nababalot pa sa luha ang mga mata nito, hindi pa rin nawawala ang taglay nitong kagandahan. Matapos ang ilang segundong pag-iisip, inilahad niya ang mga kamay sa dating nobya, para tulongan itong makatayo. Pero bigla nalang nanumbalik sa isipan niya ang pagkakaroon nito ng anak. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" aniya sa nanunuyong lalamunan. "Kailan ka pa ikinasal?" Ang swerte naman sa napangasawa nito. Janine was very smart and beautiful. Pull yourself together, Ruiz. You made your choice four years ago. "Ang kanyang ama ay...Gusto sana kitang tawagan, Xev." napapikit ito at bumuntong-hininga. "Hindi ko pala pwedeng sabihin sayo. They said not to involve any police or the NBI. I couldn't risk it." "Teka lang, huminahon ka muna. Magsimula tayo sa una." "At the beginning? Namasyal lang naman kami ni Robi sa parke." "Bakit hindi mo sinasabi sakin na may anak ka na?" "Bakit mo naman naisip na kailangan mong malaman iyon? I thought it was better to just keep things the way you wanted." anito sabay upo sa sofa. "You were undercover and couldn't be reached." Yeah, he's undercover for almost three years. At marami na ngang kaganapan na nangyari sa buhay nila. "Akala ko ba in good terms tayong nagkahiwalay. Bakit hindi mo man lang ako tinatawagan?" sumbat niya rito. "Hindi mo na rin kasi ako tinatawagan eh." Para naman siyang sinampal sa katotohanan at nagi-guilty nga siya. Yeah, he could have found her. Marami namang paraan para makontak niya ito. Pero mas pinili niyang putolin nalang ang kaugnayan niya rito. "Teka lang." aniya pa. "Hindi ako pwedeng tumawag sayo pag nag u-undercover ako. Alam mo yon." "Sinubokan kong mag email sayo ng ilang beses, pero ano naman ang isusulat ko? Lininaw mo na sakin noon na mas mahalaga sayo ang trabaho mo kaysa sakin." sabi nito na napahingos-hingos. "Sino ang ama ng anak mo? Sangkot rin ba ito sa k********g?" malamang kasamahan rin nitong genius. Siguro yong Jayden na yon. Ayaw na niyang mag-isip, sumasakit lalo ang ulo niya. Totoong mahalaga sa kanya ang trabaho niya, and it wasn't a waste. "Kailanman hindi nagkaroon ng kaugnayan ang anak ko sa ama niya. At hindi ito pwedeng masangkot sa k********g, dahil hinding-hindi iyon gagawin ng ama niya." Walanghiyang lalaki, iniwan pala nito si Janine matapos buntisin. Janine deserved better. "Kailangan na nating mahanap si Robi." desperadang pahayag ni Janine. Natutukso man siyang tawagan si Hector para ipaalam sa kasamahan niya na hawak niya ngayon ang isa sa mga suspek, pero kailangan rin niyang kumpirmahin muna kung kasama ba talaga ang anak nito sa nakidnap. "Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?" Pero nong pumunta siya sa bahay nito, wala naman siyang nakitang ebidensya na may anak nga ito. Pero apat na taon silang hindi nagkita, siguro nga may anak na talaga ito. "Two weeks ago." sagot nito. "Ano naman ang makukuha nila sa pag kidnap ng anak mo?" "Because of the new drugs I'm developing. Gaya ng itinurok ko sayo kahapon." "Huh! At ako pa ang napili mong unang eksperementohan." "It's not fully developed, you know. Sa Monday ko pa sana tapusin ang paggawa non. Pero kasama sa kinuha ng mga kidnappers ang formula ko para don." "Pano naman nila nalaman ang tungkol don?" "My money's from the private sector. It came after my paper was publised in the Journal of Anesthesiology. Anyone could know about it." "Pero pano na ang trabaho mo sa Amerika?" "Actually, my job there didn't work out. I've been privately funded so that my research only belongs to me. So I have a lot of control over the development of a new drugs." "Meron bang bidding war na namamagitan sayo at sa mga kidnappers?" "I worked alone for Forrester Pharmaceuticals, and I wasn't associated with anyone in the company, except my boss." "Mukhang malayo na tayo sa pinag-usapan natin kanina." aniya. "Sabihin mo nalang sakin kung anong nangyari sa anak mo." Taking a deep breath, she dropped her head onto the back of her grandmothers old couch, and closed her eyes. "Hindi talaga ako makapaniwala na nangyari to samin ni Robi." Another deep breath and a long pause. Pero hindi pa rin ito nagsimula sa kanyang salaysay. He wanted to ask a million questions, but his Bureau training held him firm. He slowly sat back in the chair across from her to wait on the story. Ayaw pa naman niya na pinaghihintay siya. "Si Mrs. Lawis ang unang kapitbahay ko na nakipagkaibigan sakin. Dumadalaw siya palagi sa bahay at nagpresenta ito na siya nalang ang magbabantay kay Robi sa halip na kumuha ako ng yaya. " May tumulo na namang luha sa kaliwang mata nito, tas agad din naman nitong pinahiran. "I didn't think twice. Dahil yon pa may magbabantay na sa anak ko at sa mismong araw ding yon may importante akong bagay na nilalakad." nag-abot na naman ang mga titig nila, pero si Janine na ang unang nag-iwas ng tingin. "Pero..pero nang magbalik ako, yong dalawang tao nalang na nakamaskara ang naabotan ko, at hindi lang yon may dala rin silang matataas na kalibre ng baril. Hindi naman nila ako sinaktan, at hindi rin naman sila nagsasalita, inabotan lamang nila ako ng isang note." Pinigilan naman ni Xevier ang sarili upang hindi siya makakasingit sa pagkukwento ni Janine sa kanya. He just stood, and let her finish the story. "Ang sabi pa doon sa note na nasa mga kamay nila si Robi at isasama nila ako sa kinaroroonan ng anak ko, basta huwag lang daw ako gagawa ng eksena." "So that happened two days before nang mag presenta akong asset ninyo doon sa parke." "Wala akong choice eh. Kailangan kong gawin ang mga inuutos nila. Dahil nasa kamay nila ang anak ko." "Dinadala ka ba talaga nila sa anak mo?" "Hindi ko alam kung saang lugar nila ako dinala, piniringan kasi nila ako sa byahe papunta ron. I tried to keep track but I can't tell you anything significant. It was a building with no visible address. At hindi ko na talaga matatandaan ang lugar na yon. Wala naman kasi doon si Robi, niloko lang nila ako." "So anong motibo nila sa pagdala nila sayo don? May kailangan ba sila sayo?" "Kinausap lang naman ako ng big boss nila. Na kailangan ko daw sumunod sa mga utos nila upang hindi mapapahamak si Robi. At pinalaya rin naman nila ako pagkatapos." Hindi na iyon nasundan pa ng tanong dahil nawawala na siya sa konsentrasyon. Ano ka ba Xevier, bakit ba nawawala ka sa konsentrasyon ngayon? He was a tough agent for pete's sake. He should be able to keep his head, to be able to think about this situation rationally. "How many men were there?" "Pito o walo siguro, it's so hard to be certain." "May maalala ka bang isa o dalawa sa kanila?" "Hindi, dahil nakasuot silang lahat ng maskara, at ang tanging big boss lamang nila ang kumakausap sakin." "Kung hindi ka naman nila hinihingan ng ransom, bakit kinidnap nila ang anak mo? May ideya ka ba?" Hindi sumagot si Janine, at hindi rin ito tumingin sa kanya. Hindi gumagalaw at naka steady lang. He felt like an ass. "So tell me about last night." "They watched everything I did during the fireworks. Kung minonitor niyo ako, mas higit naman silang nag monitor sakin. Oo, hindi nila inasahan ang pagka trapped sa iba pa nilang kasamahan, pero hindi naman sila nag-alala para sa mga yon. Ang importante nasa akin ang ransom money at naibigay ko na sa kanila. Kaya nga ako nagtago dito, para malayo muna sa kanila at para makapagplano na rin ako ng hakbang kung pano ko mababawi si Robi mula sa mga kamay nila." "May susunod na naman kasi silang instruction sakin. Kailangan ko daw silang e meet sa lugar nato." at ipinakita nga nito ang sulat kung saang lugar sila magkikita sa susunod. Sounds weird. Wala man lang spoken instructions? Notes lang? eh makabagong panahon na tayo ngayon ah. Pero pano kung gawa-gawa lang pala ni Janine ang mga kwento nito? sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. "Bakit nong pumunta ako sa bahay mo Janine, wala man lang akong nakitang ebidensya para makasuporta diyan sa mga sinasabi mo sakin?" "Anong ibig mong sabihin?" Gaya ng ibang suspek na ini-interrogate niya, he watched for tells. Kung sakali mang mag-iba ang ekspresyon sa mukha nito, at kung hindi man ito diretsong makatingin sa kanya, nagsisinungaling ito. But all he could see was Janine. Holy cow, she wasn't lying. She had a son. Totoo nga si Robi. "Pasensya na, dahil hinalughog ng team ko ang bahay mo. Pero wala talaga akong nakitang ebidensiya na magpapatunay na may anak ka." Mukha namang nagugulohan si Janine. "Dahil kinuha ng mga kidnappers ang lahat ng kagamitan ng anak ko." The tip of Janine's nose turned red from holding back the tears she refused to surrender again. Her lip trembled as much as her hands. He clenched his jaw tighter to withhold his sympathy and drew on a reserve of professionalism he'd never tapped before. Sa palagay niya hindi ito normal na k********g lang. His gut told him the kidnappers didn't have any intention of returning her son. It didn't make sense. "Sino ba ang mga walang hiyang iyon?" Nanggagalaiti sa galit na saad niya. Hindi na kasi niya mapigil ang kanyang prustrasyon. Napapitlag ito, at hindi na siya umasa pang sumagot pa si Janine, but she shrugged and choked back a sob. "Hindi ko alam. Hindi ko kasi sila nakita." She dropped her face into her hands. "Oo, hindi ako madaling makalimot. But I can't remember what they didn't expose me to." "Gusto kitang paniwalaan." Pero kailangan pa rin niyang malaman ang viable reason kung bakit ginawang target si Janine ng mga ito. Oo, hindi na siya nagtataka sa kinidnap na sanggol, bilyonaryo kasi ang parents ng sanggol na iyon. "Pano mo naman nalaman na nakuha ko nga ang mensahe mo?" "Actually, I hoped they wouldn't have to involve you, Xev. I assumed na kilala na ako ngayon ng mga kasamahan mo at ang kaugnayan ko sayo noon. Dahil sinadya ko talagang iwan ang libro na yon, para sayo." Dang it! Did all her actions imply she was innocent or did he want her to be? "Bakit hindi ka nalang sumulat ng kumpletong detalye ukol don sa k********g para malaman ng mga pulis na kinidnap rin ang anak mo?" "Palagi kasi nilang pinaalala sakin sa tuwing bibigyan nila ako ng note. Na hindi ako pwedeng magsumbong sa mga police dahil mapapahamak ang anak ko. Kaya nga gusto kong humingi ng tulong sayo, Xev." Kung sasabihin niya sa mga ka team niya ang sakaling pagtulong niya kay Janine, sigurado naman siyang hindi siya papayagan ng mga ito lalo na't si Hector ngayon ang naka in-charge sa imbestigasyon. "Hindi madali ang pagpunta ko rito, Janine. Tumawag ka nalang sana ng pulis, o kahit sino na pwedeng tumulong sayo." Ito kasing mga reaksyon ni Janine ay normal lang sa isang ina na nawawalan ng anak. "Naalala ko nong tayo pa noon, Xev. Nong muntik na akong mamatay sa nerbyos dahil nabaril ka sa pagsagip sa bata nang dahil sa hindi pagsunod ng mga magulang sa utos ng mga kidnappers sa kanila." Oo tama siya, naalala niya ang batang si Kevin Dalton araw-araw. Dahil ang peklat niya sa kaliwang dibdib ay yon ang nagpaalala sa bata na kanyang sinagip. Na sa halip na yong bata ang matamaan sa pagbaril, siya ang sumalo sa bala. "Hindi rin ako pwedeng tumawag ng mga pulis sa pagpunta ko dito. What if sinundan nila ako at trinack ang phone ko?..I was doing the best thing." "I don't doubt you kahit na tama ka pa. But this makes no sense. Hindi kasi ganito trumabaho ang mga normal na kidnappers. Bakit ka naman nila kailangang gamitin? Para ikaw ang taga pick up sa ransom money nila? Pero bakit ikaw pa?" Ghad! Sa totoo lang nakumbinsi nga siya nito. It surprised him how easily Janine had persuaded him. Kahit alam niyang may tinatago pa rin ito. "So what's next?" he asked her. "Ang nakasaad diyan sa note na magkikita kayo sa lugar na yan. Kailan naman?" "I need to be on that place tomorrow morning at ten. Ipapakita daw nila sakin si Robi bago ko daw gagawin ang pangalawang misyon ko." tugon nito. Xevier heard another choked sob, and his chest constricted tighter. During their whirlwind romance, hindi pa kasi niya nakitang umiyak si Janine. Their days and night had been completely filled with laughter and love. Kaya nga parang naninikip ang dibdib niya nang makita niyang umiiyak ang dating nobya. "Xev--" humihingos na sambit nito. "Ano kaya ang maaring gawin nila sa anak ko?" Turning to her, he tried to reassure her. "He'll be fine. Hahanapin natin siya." "Pero--" "Walang pero-pero. Basta magtiwala ka lang." "Ano na ang mangyayari sakin kapag isinangkot ako sa mga pulis sa pagkidnap sa sanggol?" sabi nito na nanlalaki ang mga mata. "Hindi mo pwedeng sabihin sa kanila na magkasama tayo, Xev. Ipangako mo sakin. Kailangan ako ng anak ko." "Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat makita lang ang anak mo." Bigla namang napayakap sa kanya si Janine ng mahigpit. Tuloy gusto niya itong mahalikan, mapawi lamang ang pag-aalala nito. "Pakiusap sabihin mo sakin na tama nga ang ginawa kong pagtitiwala sayo." bulong ni Janine sa kanya. "Ang sabi ng mga kidnappers na hindi ko raw ito ipagtapat sa pulis o sa NBI man. Pero kailangan kita, Xev. Hindi ko kayang mag-isa." He put his arms around her, loving every miserable minute of agony it caused him. At that moment he didn't care if it would jeopardize the operation. Basta wala na siyang pakialam. He wanted Janine right where she was. "Kailangan nating tumawag. It's our only choice, Janine. At kailangan rin nating mahanap ang sinasabi mong kapitbahay na nagbabantay kay Robi. Para malaman natin ang buong storya sa pagkidnap ng anak mo." "I can't let you take me back." sabi nito sa nanginginig na boses. "Not until I've done what they said I have to do." anito na nagpipigil umiyak. "Okay lang na umiyak ka, Janine." bulong niya sa tenga ng dating nobya. "Hindi ako dapat umiiyak. Wala akong maiisip na magandang paraan kung palagi nalang akong umiiyak. Pero na mi-miss ko ang anak ko. What if he's scared at hinahanap niya ako?" "Wag kang mag-isip ng ganyan." hindi rin siya dapat magpadala sa kanyang emosyon. It impaired an agent's judgement when he got too involved. Gaya sa ginawa niyang pang-aalo ngayon ni Janine. "Mag concentrate nalang tayo kung pano natin mababawi ang anak mo. At gagawin talaga natin yan. Pinapangako ko." Pero kailangan pa rin niyang makontak ang kanyang team para na rin sa proteksyon ni Janine. Dahil hanggang ngayon, mahalaga pa rin ang babae sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD